Chapter 8: Boundaries

200 2 0
                                    

Kyle’s Side

Naging busy ako this past two months dahil sa Capture, dumadami na kasi ang clients namin. Sumisikat na kasi ang business namin. Sobrang nakakapagod pero masaya naman dahil unti-unti kong nakikita ang bunga ng pagsisikap ko mula ng hawakan ko ang Capture.

 Tinatawagan pa rin ako ni Hailey if kailangan niya ng photographer na kailangan niya ipadala sa field. Hindi ko pinapahawak iyong trabaho ko sa The Scene sa iba dahil nung nagsisimula pa lang ako, suportado na ako ni Hailey at talagang siya ang dahilan kung bakit nakikilala ang studio namin.

Usually naman kasi kapag kailangan ng photographer sa isang shoot, ang mga tauhan kong photographer ang ipinapadala ko sa photo shoot.

Kakatapos lang ng trabaho ko sa The Scene, as usual partner ko na naman si Queenie kaya puro riot at kalokohan ang nangyayari kapag kami ang magkasama ganoon man name-meet pa rin naming ang deadline namin.

Dumiretso na ako sa The Capture sa Mandaluyong Branch dahil nalaman ko na nandoon si Icy. Bale dalawang palapag ang sakop ng Capture kay medyo malaki rin iyon. Nakatambay lang ako sa studio habang tinitignan ang photo shoot na nangyayari ngayon sa studio.

Nakita ko na nandoon si Kuya James, isa siya sa photographer ng Capture, siya din ang kasalukuyang kumukuha ng photo shoot na iyon. Nalaman ko sa apprentice niya na si Kate na ang kinukunan niya ay ang model na si Fria Castillo. Gagamitin kasi ang kuha niya na iyon sa isang magazine na kumukuha ng serbisyo namin.

“Oy, bru, kumain ka na, tumawag sa akin si Tito, sabi niya pagod ka galing sa Singapore. Tapos dumiretso ka naman dito. Try mo magpahinga, uso iyon.” Sabi ni Icy habang may dalang pizza na para sa aming dalawa.

Kasama niyang dumating ang supervisor na si Leia na kasalukuyang ipinapamahagi ang dalang pizza sa team. Ganito kasi kami sa Capture, ipinatupad iyon ng Dad ko dati pa, na siyang sinundan ko nung ako na ang humawak. Iyon yung rule na sabay kami kumain lalo na kapag may project kaming ginagawa.

Napangiti ako dahil doon, sakto kasi na hindi pa ako nagla-lunch. “Bakit nandito ka? Wala ka bang duty sa hospital ngayon?” sabi ko kay Icy. Kumuha na ako ng isang slice ng pizza pagkatapos ko sabihin iyon.

 “Mamaya pang seven ng gabi ang duty ko.” Two na kasi ng hapon iyon. Umupo siya sa tabi ko habang tinitignan ang nangyayaring photo shoot. Inaayos na kasi ang lightning dahil ibang anggulo naman ang kukunan sa modelo. Nirere-touch naman si Fria, habang nagpapahinga sa isang tabi.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now