Chapter 50: Pain from Kyle

164 3 0
                                    

Jian’s Side

“I talked to Papa. Nag-file ako ng indefinite leave para sa’yo. You need one.” Sabi ni Kuya Aki sa akin. He handed me a beer can. Inabot ko naman iyon.

Nandito kami sa resort namin sa Boracay. I flew here mag-isa a week ago after nang last na pagkikita naming ni Kyle. Hindi ko iyon nasabi kina Papa, tinawagan naman ako ni Kuya Aki, he asked me kung nasaan ako. Kaya nga nandito siya ngayon.

“Sorry for bothering you, Kuya. Kahit alam kong mas kailangan ka ni Nohemi ngayon.” Sabi ko saka ko binuksan ang beer. Nandito kami sa balcony. Mula dito kitang-kita ang asul na dagat na na  bahagyang natatabunan ng puting buhangin. Kitang-kita rin ang mga tao naroroon.

Dahil hindi naman peak season, konti lang ang mga tao roon. Mostly pa nga ay mga foreigners na nagliliwaliw.

“Okay lang iyon sa kanya. Isa pa pinapunta ko doon si Mommy, kaya may kasama siya doon.” sabi naman nito.

Matagal na katahimikan ang dumaan sa amin.

Hindi ugali magtanong ni Kuya Aki kapag may problema kaming kapatid niya. Pero alam niya kapag mayroon. Parang instinct na alam niya na may mali. Na may bumabagabag sa amin. Ganoon na siya nung mga bata pa lang kami.

Ni hindi alam ni Kuya Aki kung ano ang pinagganito ko. Pero alam niya na may problema sa akin.

“Kaily found a new guy.” Saka pagak akong tumawa. Lumagok uli ako ng beer.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now