Chapter 23: Reminisce

147 3 0
                                    

 

               

Jian’s Side

 

 

 

 

Nandito kami sa Mang Inasal na kasalukuyan kumakain ng “brunch” dahil nasa eleven-thirty na.

 

 

 

 

Tatanggi sana ako na ilibre niya kundi lang siya makulit. Nahiya naman ako magprotesta dahil ang daming tao na nakapila doon. Sa huli ay napapayag rin niya ako na maghanap na lang ng mauupuan. Sa labas kami ng restaurant kumain.

 

 

 

 

“I should be the one who pay for this. I’m the guy here.” Bungad ko sa kanya nang dumating siya dala ang order namin. Hindi ko kasi inugali magpalibre. Lalo na sa babae.

 

 

 

 

 

“Okay lang iyon, ano ka ba? Thank you ko rin ito dahil palagi mo kong binibigyan ng candy kapag nakikita mo na gutom ako.” sabi nito.

 

 

 

 

 

“You mean nung photo shoot niyo?” naghugas na ako ng kamay kanina kaya nagsimula na akong kumain ng nakakamay.

 

 

 

 

“Sabi ko na eh, di mo naaalala yung unang meeting natin.” Waring tampo nito pero nakangiti naman. Saka siya sumubo ng nakakamay rin.

 

 

 

 

“Doon tayo nagkita sa hotel sa Cebu diba?” Iyon yung first meeting namin di ba?

 

 

 

 

“No, ang first meeting ay sa hotel rin pero hindi sa Cebu.” Pabitin niyang sabi saka humigop ng sabaw gamit ang kutsara.

 

 

 

 

Lalo akong na-curious sa sinabi niya. Nagkita na kami? Dati pa? Kelan at saan? Tumingin ako sa kanya. Eto yung mukha na hindi mo makakalimutan.

 

 

 

 

Nasagot naman niya ang tanong ko.

 

 

 

 

“Nakakahiya man sabihin, nagkita tayo sa hotel sa China. Sa elevator to be exact. Binigyan mo ko ng candy dahil narinig mo yung pagkalam ng sikmura ko ng tanungin mo kung anong floor ako bababa.” Nahihiya niyang sabi, nakita ko pa ang pagpula ng pisngi niya.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now