Chapter 24: Kaily's Visit

165 4 0
                                    

Kyle’s Side

Three days passed mula nang makauwi kami galing Cebu. Mula ng kumain kami ni Jian at nang ihatid niya ako pauwi sa bahay.

Naramdaman ko ang pagbabago ng mood niya ng tangkain ko na hawakan ang mukha niya para punasan ang gilid ng labi niya. Right there ang then, nalaman ko na totoo ang sinabi ni Alfieri.

Na nakakulong si Jian sa alaala ni Chloe.

Bumuo si Jian ng wall sa pagitan niya at ng mga taong gustong mapalapit sa kanya. Na para bang pagmamay-ari lang siya ni Chloe at walang sinuman ang pwedeng pumalit dito.

Nasaktan ako dahil doon.

Pero hindi pa ko gumi-give up.

Eto kasing si Icy, tinambakan ako ng trabaho. Kaya naman natigil ang pangungulit ko kay Jian. Ipinadala niya ako sa ilang party at events para kunan ang mga tao doon dahil part iyon ng trabaho namin.

Pero sabi ko nga hindi pa ako sumusuko.

Kaya naman kahit busy ako, nagpapadala pa rin ako ng chrysanthemums at food para sa kanya.

Dahil malaya na naman akong gumala, ay nagluto ako ng food at balak ko sanang dalhan si Jian, pinagluto ko rin si Icy para hindi halata.

Nagtanong ako sa information desk para hanapin ang nurse station ng mamataan ko si Alfieri. May kausap itong lalaki na ka-height rin niya. Hindi magka-mukha ang dalawa dahil chinito ang isa na itsurang Hapon.

Nagpasalamat ako sa kausap ko para puntahan si Icy nang magawi ang tingin sa akin ni Alfieri. Kinawayan niya ako at nilapitan.

“Ate Kaily, ano ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot dahil nakatingin sa akin ang guwapong hapon na kasama at ngayo’y kaharap ko na.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now