Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

TDHU 2: Hells Devils

326K 7.2K 2.1K
                                    

TDHU 2: Hells Devils

DEVI PARKER

Siya 'yong lalaki sa Hell in Motion. Naagaw ng atensyon ko ang hikaw na suot niya. S-siya 'yong lalaking nasa rebulto, ang rebultong nasira ko. Napalunok ako dahil kinakabahan ako. Aabutin ko ba ang kamay niya o hindi? Parang tutulungan naman niya akong tumayo kaso hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya.

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya. Para akong nakuryente nang mahawakan ito at naramdaman ko ang pamamawis ng kamay ko sa napaka-init at malambot niyang kamay. Hinawakan niya ito nang mahigpit at itinayo ako kaso maling desisyon ang ginawa ko dahil agad niyang hinugot ang espadang nakasabit sa likuran niya. Napapikit ako nang akmang hahatiin na niya ang leeg ko. Ilang segundo na ang lumipas kaso wala pa rin akong nararamdaman.

"Kailan pa nanakit ng babae ang isang King Demon Lewisham? Baka nakalilimutan mong nakasulat sa iyong batas na walang sino man ang maaaring manakit o sugatan ang mga babae dahil karapatan nilang respetuhin at pangalagaan. Alam ng buong TDHU na kung sino man ang magtatangkang manakit sa mga babaeng naririto ay parurusahan ng kamatayan at puwedeng-puwede kitang patayin sa harapan mismo ng mga taong 'to."

Napamulat ako nang marinig ang boses ni kuya Dome at paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko kung paano niya iniharang ang kamay niya sa espada. Hawak-hawak niya ang matulis na espada, huwag lang akong masaktan. Tumutulo na ang napakaraming dugo mula sa kamay niya at dahil 'to sa demonyong nasa harapan ko.

"Nakalilimutan mo yata kung sino ang kaharap mo, Dome Parker. Ako ang gumawa ng batas kaya't ako lang ang may karapatang sumaway. At sinong tinakot mo? Nandito ka sa teritoryo ko. Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Patay ka na bago mo pa ako masugatan," saad ni Demon habang hindi pa rin inaalis ang espada na malapit lang sa leeg ko.

"Parkers. Nakalilimutan niyo yatang may hati sa pagitan niyo at ng Hell's Devils kaya't bitawan mo ang espada bago maputol 'yang kamay mo at magsisi. Mamili ka. Ulo ng babaeng 'to o ang kamay mo!" sigaw ng lalaking katabi ni Demon. Hawak nito ang baril at handa ng iputok sa ulo ng mga kuya ko.

"Demon. Spade. Hindi tayo mananakit ng babae kaya tara na. Nasasayang lang ang oras natin dito. Sinisira niyo ang pangalan at reputasyon natin," sambit ng isang kasama nila. 'Yong lalaking may hawak na arnis. Kung ang dalawa ay hindi na maipinta ang mukha, ang lalaking 'to ay pormal lang.

"Dome, ang kamay mo. Bitawan mo na dahil hindi niya itutuloy 'yan. Oras na dumapo ang espadang 'yan sa leeg ng babaeng katabi mo, uulan ng dugo sa buong university na 'to," rinig kong sambit ni kuya Dilton. Nasa likuran lang silang tatlo at ramdam kong kinokontrol lang nila ang mga sarili nila.

"Asshole," bulong ko sa sarili ko at hindi nagdalawang isip na hawakan siya sa balikat at tuhurin ang pagkalalaki ng lalaking may hawak na espada. Bumuwelo ako, umikot, at sinipa ang mukha niya. Hindi pa ako nakuntento at sinipa siya sa tiyan. Ini-expect ko na sa huling sipa ko sa kanya ay matutumba na siya kaso nakatayo pa rin ito at napadaing lang sa ginawa ko.

"Kulang pa yata ng isang sipa kapalit ang buhay mo." Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya't bumuwelo ulit ako at akmang sisipain na ang kabilang mukha niya para pumantay ang pagkapula, kaso bumuwelo rin siya at pinulot ang espadang nahulog. Pagka-ikot ko ay saktong napatigil ako nang maramdamang dumapo ang espada niya sa buhok ko at ngayon ay nakatutok na ito sa leeg ko. Napatingin ako sa sahig at naputol ang pagkahaba-haba kong buhok.

"No girl has dared to kick me." Inalis niya ang espada at pinunas sa sleeve ng damit ko ang dugo pati na rin ang buhok na nakadikit rito saka ibinalik ito sa lalagyan. "You think you're lucky? Then let's see how lucky you are." Bahagya niyang itinaas ang kamay sa ere at para bang may hinihingi sa tatlong lalaking katabi niya.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon