Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

TDHU 11: Warning

235K 6K 2.3K
                                    

TDHU 11: Warning

NARRATOR

Binitawan ng taong 'to si Devi tulad ng sinabi ni Demon kaya't agad siyang gumapang at nagtago sa isang puno. Bahagya niyang isinilip ang mata para makita kung anong mangyayari. Pareho lang silang nakatayo habang si Demon ay nanlilisik ang mga mata't magkasalubong ang kilay. Oo, ganito araw-araw si Demon kaso iba ang aura niya ngayon. Mas nakatatakot na para bang matiningnan ka pa lang ay mamamatay ka na.

"Anong kailangan niyo sa kanya?!" bulalas niya kaso hindi siya sinagot nito. Nakatayo lamang ang taong nakaitim na ito. "Nakalilimutan niyo bang nasa teritoryo ko pa rin kayo?" nakangising tanong ni Demon. "Iisa-isahin ko kayo at titiyaking walang makalalabas sa inyo."

Marahas na tinanggal ni Demon ang pulang necktie na suot saka itinapon lang ito basta-basta. Agad siyang sumugod patungo sa taong 'to at sinuntok kaso nakailag agad ang taong ito at si Demon naman ang sinuntok kaya't muntik na siyang matumba kung hindi lang napahawak sa punong malapit sa kanya.

"'Yan lang ba ang kaya mo?" sarkastikong tanong ng lalaking naka itim. "Naturingan ka pa namang King Demon Lewisham. Hindi ka naman pala marunong makipaglaban."

Ngumisi si Demon na parang isang demonyo dahilan para tumaas ang balahibo ni Devi nang Makita ito. Nanunuyot ang lalamunan niya. Kinakabahan siya para sa taong nakaitim dahil baka mamatay ito lalo pa nang lumabas na ang sungay ni Demon.

"Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay. Sabihin mo sa 'kin kung nasaan ang lungga niyo!" sigaw ni Demon na halos umalingawngaw sa buong kagubatan.

"Tanga ka ba? Mundo mo 'to at dapat alam mo kung saan kami maaaring magtago. Gagawa-gawa ka kasi ng mundo na maraming tao ang nagkakainteres na agawin. Kung hindi ka rin lang tanga." Halos magpantig ang tainga ni Demon sa narinig.

Sumugod na si Demon at hindi na pinigilan pa ang sariling mapatay ang taong 'to. Hinila niya ito sa damit at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok gamit lamang ang isa niyang kamay. Sumusuntok siya habang nangingitngit ang mga ngipin sa galit.

Itinulak naman ng lalaking 'to si Demon at napasandal sa puno at sinuntok niya rin sa mukha kaso nakakaisang suntok pa lamang siya ay hinila ulit siya ni Demon sa damit at isinandal sa puno saka sinuntok muli at sinikmuraan. Napaluhod siya sa lupa dahil sa lakas ng pagsikmura ni Demon sa kanya. Namimilipit na ito sa sakit kaso hinila pa siya ni Demon sa kuwelyo ng kanyang damit at itinayo at malakas na iniuntog sa puno.

Tinanggal ni Demon ang itim na telang tumatakip sa mukha ng taong 'to. Lumuwa ang mukha niyang basag na basag at punong-puno ng dugo. Pamilyar ang mukha nito pero hindi kilala ni Demon.

"Sa huling pagkakataon. Anong pangalan ng pinuno niyo?!" Imbes na sumagot ay ngumisi ito at dinuraan ng dugo sa mukha si Demon saka tumawa. Namumula na ang taong 'to at namimilipit na sa sakit kaso nagagawa pa ring tumawa.

Binitawan na siya ni Demon dahil nasasayang lang ang oras niya sa taong 'to. Pinunasan muna niya ang mukhang may bahid ng dugo ng taong 'to.

"Goodbye!" saad niya bago pa hugutin ang espada't putulin ang ulo niya. Gumulong-gulong ang ulo nito kasabay ang pagbagsak ng katawan niyang sumisirit ang dugo mula sa leeg. Kitang-kita ang laman loob nito.

Ipinunas niya muna ang dugo sa espada sa damit ng taong 'to at ibinalik sa lalagyan saka nilapitan ang ulong pinutol. Hinawakan niya ito sa buhok at tinitigan ang mukha. Mulat na mulat ang mata't sariwa pa ang dugo. Matapos pagmasdan ang mukha ay hinanap ng mga mata niya si Devi kaso hindi niya ito makita pero alam niyang naroon lang ito at nanonood kanina.

"Devi!" Malalim ang boses na bulalas ni Demon saka naglakad-lakad at inililibot ang mga mata.

"Oh God, please save me." Mangiyak-ngiyak na bulong niya sa sarili. Kitang-kita niya kung paano naputol ang ulo ng taong 'yon at nai imagine na niya ang mangyayari sa ulo niya kapag sumama pa siya kay Demon.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon