Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

TDHU 5: Hell's Tower

244K 6.2K 1.4K
                                    

TDHU 5: Hell's Tower

DEVI PARKER

"Pa'no nakapasok ang babaeng 'yan dito?!" sigaw ni Demon na halos bumasag sa eardrums ko. Sinamaan ko lamang siya ng tingin nang makalabas ako mula sa pagkakatago ko sa kurtina. Tinulak-tulak naman ako ng dalawang maskuladong bakla na nakahuli sa 'kin na pinanonood sila Demon.

Marahas niyang ibinagsak ang hawak na palakol kaya't tumusok ito sa lamesang kinalalagyan ng pira-pirasong katawan ng tao, na mukha na ngayong pork cubes. Nakatalikod pa rin siya sa 'kin at inalis ang suot na gloves pati na rin ang face mask. Tumigil na rin ang tatlo sa ginagawa at isa-isa na nilang tinanggal ang mga suot na gloves at mask. Sinenyasan ni Clover ang isa sa mga tauhan nila na ilagay na sa lalagyan ang pira-pirasong katawan.

"Hindi mo ba alam na bawal ang tulad mo rito?!" dagdag pa niya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang pinapatay ako sa titig niya. "Huwag niyo munang ipadadala ang mga 'yan." Pagtutukoy niya sa mga pira-pirasong katawan na akmang dadalhin na palabas. "At ipatitikim muna natin sa isang napaka-importanteng bisita." tinignan niya ako nang may ngisi sa labi. Unti-unti kong nakikita ang sungay niya. "Ilapit niyo 'yan dito!"

Dalawang lalaki—o kung ano man sila—ang nakahawak sa magkabilang braso ko at pilit akong hinihila palapit kay Demon. Wala silang imik.

Ipinasok ni Demon ang kanyang kamay sa isang plastic container na pinaglalagyan ng mga pira-pirasong katawan saka inilabas ito nang may hawak-hawak na, habang may dugo pang tumutulo. Itinaas niya ito at talagang gustong ipakita sa 'kin. Wala na siyang kahit na anong suot na gloves.

"Demon! Seryoso ka ba?!" Tanong ni Clover sa kanya at bakas sa mabigat niyang paglunok sa laway ang pandidiri. Sino ba namang hindi mandidiri? Kung takot lang ako sa dugo, tiyak na nahimatay na ako.

"Kailan pa ba ako hindi naging seryoso? I want to do it, so I will do it—to her." Parehong nakataas ang kilay niya na tiningnan ako habang bumibilog ang mga mata at nanlilisik. "I need to experiment. I need to know kung ano nga bang magiging epekto sa tao kapag kumain siya ng katawan ng kapwa tao."

Unti-unti siyang humahakbang papalapit sa 'kin habang pinipilit kong kumawala sa kapit ng dalawang bakla sa braso ko. Mukha lang din silang estudyante ng university. Halos lahat yata ng nagtatrabaho rito ay mga estudyante.

"What if ganito na rin ang ipakain natin sa mga estudyante ng TDHU?" Tanong nito habang nakatingin sa mga kaibigan. Umiling-iling ang mga ito kaya't ibinalik sa 'kin ang tingin. "Ah! My slave's food." Unti unti siyang naglakad palapit sa 'kin.

"Stop! Stop it, Demon! You're insane!" I exclaimed, I begged. "Get off me, assholes!" Sigaw ko sa mga baklang 'to at gusto kong pagtatadyakan ang mga bayag nila.

"I told you to call me King, not Demon." Nang makalapit na siya sa 'kin ay agad niyang hinila ang buhok ko. "Say it. I want to hear it." Pinanlisikan ko siya ng mga mata at ganon din siya sa 'kin.

"Never!" Pagmamatigas ko. "You aren't a King. A king does what's best for his people and not what's best for himself," dagdag ko na mas nagpasalubong ng kilay niya.

"This is your last chance, Binibini. Say the magic word and I'll let you live." Nakataas na ang kamay niyang may hawak na piraso ng tinagang balat. "Say it. Kiiiingggg," saad niya na parang isang nanay na tinuturuan ang anak na magbasa.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya kaysa naman isubo niya sa bibig ko ang hawak niya. Mas gugustuhin ko pang pagmukhain akong tanga ng gagong 'to kesa kainin 'yan.

"King." Matigas na sambit ko. Ngumiti siya na parang isang baliw saka tinanggal ang pagkakahawak sa buhok ko. Naglakad-lakad siya sa harap ko habang may ngiti na abot hanggang tainga.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon