Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

TDHU 9: Sacrifices

244K 6K 1.7K
                                    

TDHU 9: Sacrifices

DEVI PARKER

"Next round. Follow me." Sinundan ko siya. Nangunot ang noo ko nang huminto kami at ipakita ang susunod na gagawin.

"You can see wires na may magkakaibang anggulo at magkakapatong. Ang pinakaitaas ay may taas na two feet. Bawat wire ay may layo na two inches. Ang huling wire ay may layo ng two inches din mula sa lupa. At kung makikita mo sa ilalim ay may pira-piraso ng puzzle na nagkalat. Kailangan mong makumpleto ang mga piraso nito hanggang sa mabuo at makita ang salita para palayain ang susunod na kriminal," paliwanag niya.

Tinitiningnan kong maigi ang mga wire. Hindi ko alam kung bakit may mga pabilog na bagay sa gilid at nakaikot doon ang mga wire.

"Kung inaakala mong madali ito, nagkakamali ka. Isang maling galaw mo ay maaaring maputol ang kamay o ang paa mo dahil ang mga wire na ito ay matulis. Hindi mo maaaring madikitan ang wire dahil kapag nakaramdam ito ng puwersa, gagalaw ang mga wire na 'yan at iipitin ang kamay at paa mo hanggang sa maputol." Napalunok ako.

"Ano bang kasalanan ng babae?" tanong ko dahil hindi niya ako pinapili. Lumapit siya at tinanggal ang pagkakatali sa paa ko para malaya akong makagalaw.

"Pinatay ang lalaking nagtangkang gahasain siya. Kaya't kung gusto mo siyang matulungan, kailangan mong magawa ito."

Palihim akong nagdasal. Ano na naman ba kasi 'tong pinasok ko? Kailangan kong maging maingat sa bawat aapakan ko at sa papasukan ng kamay ko kapag pupulutin ang mga piraso ng puzzle.

"Go," pag-uutos ni Spade.

Nag-umpisa na akong umapak sa loob. May mga maluluwag na butas, mayroon ding hindi. Sa umpisa ay wala pang mga bahagi ng puzzle kaya't paa ko pa lang ang ipinapasok ko.

Nag-umpisa na rin akong ipasok ang kamay ko para pulutin ang mga bahaging nakikita ko. Ibinulsa ko agad ang mga nakukuha ko para hindi mahulog. Malapit na ako sa dulo at unti-untin nang sumisikip ang mga butas na papasukan ng kamay at paa ko at mayroon na lamang limang puzzle pieces na natitira. Ramdam na ramdam ko ang katahimikan sa buong lugar at kung gaano sila katutok sa ginagawa ko.

Huminto muna ako sa ginagawa at napalunok. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na magkakasya ang mga paa ko sa mga susunod na butas at medyo malayo pa ang dulo. Huminga ako nang malalim at ipinasok ang kamay ko malapit lang sa kinatatayuan ko para kunin ang isang puzzle piece kaso dahil sa panginginig ng kamay ko ay nagalaw nito ang wire. May kung anong tunog ang lumilikha sa kinalalagyan ng wire at dala na rin ng kaba ay pinulot ko na lang agad ang puzzle piece at inilabas agad ang aking kamay.

Gumalaw ang mga wire sa butas na pinasukan ng kamay ko at sumikip ang butas doon habang ang mga butas naman na malapit doon ay lumuwag. Nagkaroon ng bumbilya ang tuktok ng ulo ko. Akala ko, kapag isang wire ay nagalaw, lahat sisikip kaso hindi. Mas lumuwag ang butas sa mga sumunod at nagka-ideya na ako kung paano makukuha ang mga puzzle pieces nang hindi naiipit.

Ginawa ko lang ang mga nangyari kanina. Idinidikit ko ang kamay ko sa bahaging maluwag para lumuwag ang mga nakapaligid na butas dito para apakan ng paa ko. Tuloy-tuloy koi tong ginawa hanggang sa mapulot lahat ng puzzle pieces at makaalis sa impyernong 'yon.

"Yes!" Tuwang-tuwang sigaw ko nang tuluyang makaalis. Sinenyasan ako ni Spade na magpunta sa kinatatayuan ko kanina kung nasaan ang lamesa at duon binuo ang puzzle.

"YOU HAVE TO BECOME CLEVER AND WISE TO SURVIVE!" Pagbasa ko sa mga salitang nabuo sa mga puzzle pieces na nakuha ko. Pagkatapos, tinanggal ko na ang pagkakaposas sa babae pati na rin ang maskarang suot niya at hinayaan na siyang makaalis.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon