Chapter 6

17.3K 1.4K 497
                                    

#RTVillainess06


SINAMAAN ko ng tingin si North na hindi man lang lumilingon sa pwesto ko. Gusto ko na talagang umalis sa totoo lang dahil wala naman akong ginagawa dito. Nakaupo lang ako sa isang banda ng bleachers sa field na may shed.

Ginawa lang niya akong taga-bantay ng tubig at cellphone niya. Napadiretso ako ng upon ang matanaw na ang pagbalik niya pati na rin ang mga teammates niya.

"Captain. Hindi talaga ako naniniwala na wala lang kayong dalawa," umiiling na turan ni Zeke habang papalapit sa amin.

"Shut up."

"Cap, tatlong sunod-sunod na araw na siyang nandito. Kung ayaw mo sa kanya, liligawan ko na 'yan," bulong ni France na rinig ko naman.

Zeke and France. The twin ace of Rebels. Rebels is the team's name.

"Hello, Miss Padua! I don't think I introduced myself to you before. I am Zeke Ramirez."

Ngumiti ako sa kanya at medyo nabigla nang kunin niya ang kamay ko at halikan ang likod no'n.

"Tangina mo, Z! Ang landi mo!" sigaw ni France sa gilid at tinulak si Zeke.

"Hi, I'm France, but you can call me Ace. Though, I would much prefer it, if you call me yours," aniya at kumindat pa.

Tumagilid ang ngiti ko doon at saka bumaling kay North na hawak-hawak ang tumbler niya. Uminom siya doon at maya-maya'y binuhos sa buhok ang tubig.

Sinundan ko ang pagtulo ng tubig mula sa ulo niya pababa sa mukha at katawan niya. Hinawi niya ang buhok niya papunta sa likod at tumingala.

Damn. This is illegal.

"You can just call me Brielle," I smiled then got up. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at hinawakan ang iPad ko.

"Una na ako, North. I still have to study for the upcoming midterms. Ang dami ko rin deadlines e," wika ko at tumalikod na.

"Wait for me. I'll just take a quick shower," sambit niya at tumalikod na agad.

"Huh?" iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Hindi ko siya pinakinggan at umalis na. Pumunta ako sa library ng department naming para doon na mag-review at maraming resources. Kumuha ako ng ticket for the books at nagsimula na rin nang makuha ko na 'yung mga librong kailangan ko.

"Studying?"

Umangat ang tingin ko kay Austin na ngayon ay umuupo sa tabi ko. Napalingon ako sa gilid niya at harap naming para hanapin si Jamila. Pero nagtaka ako nang hindi ko siya makita.

"I thought you're with Jamila?" tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko.

"No. Why would I be? Galing ako sa klase ko," tugon niya.

"We were supposed to study together pero sabi niya, niyaya mo raw siya mag-library. Mag-aaral daw kayo," sambit ko.

"Magpapatulong sana ako sa isang subject namin about human anatomy. But my blockmates sent some resources, kaya hindi na kami tumuloy."

Tumango ako at ipinokus na lang ang tingin ko sa mga aaralin ko ngayong araw.

In the original story, Brielle is not as smart as Jamila. The latter always get awards and recognitions in school and on her first year she made it to the top of the whole freshman class and was even one of the dean's listers.

Gusto ko sanang ganoon na lang ulit ang mangyari ngayon pero masyado akong grade conscious para magawa 'yon. This is also a program that I wanted to study. Sobrang enthusiastic ko sa mga topics and classes namin na hindi ako makakapayag na hindi ako mag-e-excel.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon