Chapter 17

15K 878 112
                                    

#RTVillainess17


JAMILA WALKED OUT together with her friends.

Nakatanga naman ako kay North ngayon na malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin.

"What . . . did you say?"

"I like you, Chantal."

Umahon ang tuwa sa dibdib ko. Alam ko naman na ang nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ni Austin. Pero iba pa rin talaga kapag sa mismong bibig na niya nanggaling ang mga salitang 'yon.

But even though it feels good, this is wrong. Everything is wrong.

Napawi ang ngiti ko dahil doon.

Hindi niya alam kung sino talaga ako at ano ba ang ginagawa ko sa mundong ito. Akala lang niya, ako si Brielle. Nagustuhan niya si Brielle, hindi ako.

I don't know how would he react if he found out that I am the author of this story. And I am responsible for everything he's been through.

The lonely childhood he experienced, the girl he loves choosing his best friend, and most importantly, he was the one responsible for the great downfall of Brielle Chantal Padua.

"T-Thank you for liking me." Parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi ko 'yon.

"Gusto mo rin ba ako, Chantal?"

His eyes are hopeful. Nilapitan niya ako at dahan-dahang pinadausdos ang kamay niya sa libreng kamay ko. "I know this is too sudden and shocking for you. Honestly, this isn't the type of confession I planned in my head. Pero kailangan ko nang masabi 'to before you even misunderstand everything."

Tinitigan ko siya. Umaasang sana binibiro na lang niya ako. Sana pinagtitripan niya ako katulad ng dati niyang ginagawa. But sincerity and love were all I could see in his eyes.

"Sorry, North." Ngumiti ako para pagtakpan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. "I don't like you that way. I only like you . . . as a friend."

Natahimik siya. Nawala ang ngiti sa mukha niya at tinitigan lang ako. "Do you mean it?"

I nodded my head. "Sorry."

"Can you at least, try to like me?" He asked again. "Not as a friend, but as a man?"

"Sorry." Yumuko ako sa kahihiyan at dahil alam ko nang tutulo ang luha ko.

"Is there something wrong about me?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin dahil sa tanong niya na iyon. Nakita ko siyang nakangisi habang napapailing. Hinawi niya ang buhok niya at lumabas na naman ang piercing niyang paborito kong nakikita.

"Gusto mo ba maging madaldal ako?"

"Hindi sa gano'n, North—"

"O may iba kang gusto?"

"Wala—"

"Si Austin ba?" tanong niya.

Naitikom ko ang bibig ko dahil ang dilim na ng mukha niya. "Hindi. Hindi ko gusto si Austin."

"Damn, ang malas ko naman." Tumawa siya nang mahina. "This is my first time liking someone and confessing tapos rejected."

"Why do you even like me, North?"

"What's not to like about you, Chantal?"

"Everything," mahinang usal ko na rinig na rinig naman niya. Tuluyan na akong bumigay sa harap niya.

I've finally said it. What I've been feeling all along.

Kahit na masaya ako, kahit na nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko, kahit nakukuha ko ang mga 'yon, at kahit na hindi ko na kailangang maghirap, isa pa rin akong peke.

Reforming the Villainess (Reincarnation #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon