Sagot

2 0 0
                                    

Ilang beses pa ba kailangang masaktan

Bago tuluyang maging masaya.

Gaano katagal pa ba ang hihintaying panahon.

Nagsasawa, napapagod at nawawalan ng pag asa.

Pag asang darating ang isang ikaw.
Ikaw na para sa akin.

Na magmamahal ng higit pa sa hinahangad.

Aasa pa ba O titigil na?

Mga panahong nawala'y habang ika'y hinihintay.

Kakalimutan na lang ba, o pagpapatuloy?

Darating pa ba o tinalikuran na?
Mga katanungang walang kasagutan.

Umaasang balang araw darating din,

Mga sagot sa katanungang nilipas na ng panahon.

"May magmamahal pa ba sakin?"

// February 28, 2017

Tangled MessWhere stories live. Discover now