Manhid

1 0 0
                                    

Natatakot ako.
Natatakot ako na baka balang araw wala na kong maramdaman.

Hindi na makaramdam ng sakit, galit, tampo, pagsisi at higit sa lahat pagmamahal.

Na baka isang araw pagkagising ko nawala na  ang lahat.

Hindi na makilala, hindi na matandaan, hindi na maramdaman.

Natatakot ako.
Natatakot ako na baka dumating ang araw na pati ang puso ko'y hindi na rin makakilala.

Na kahit anong masasakit na salita ang bitiwan ay bali wala.

Na kahit gaano kadaming mura ang ibato ay tatanggapin.

Natatakot ako.
Natatakot ako na baka dumating ang araw na wala na kong maramdaman ngunit hindi ko pagsisihan ang lahat.



Ma, Natatakot po ako.

// March 17, 2017

Tangled MessМесто, где живут истории. Откройте их для себя