Ligaya

1 0 0
                                    

"Para kang patay kausap"

"Tignan mo yan, pero pag friends nya kausap ang saya saya"

"Wala kasing kailangan kaya ganyan"

"Ayusin mo yang nasa loob bago sa labas"

"Mas pinili mong sumama sa mga kabarkada mo di ba?"

"Uunahin mo pa yung mga kaibigan mo"

"Matuto kang umintindi"

Manhid.
Walang maramdaman
Siguro nga.
O baka naman rindi na?
Posible nga.

Ilang taon nang nakalipas nung nagsimula to? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang.

Basta tuwing darating tong araw na to, sumasakit yung puso ko.

Literal na may kurot na nararamdaman.

Masakit,
Nakakapanghina,

Akala ko nung dumating yung araw na to ngayong taon - handa na ako.

Wala ng mararamdaman, kasi nga sanay na.

Pero pag nanjan na pala, kahit anong pag hahanda - masasaktan ka din pala.

Lalong lalo na sa mga taong ginawa mong mundo.

"Para kang patay kausap"
Hindi ba pwedeng ansakit lang ng puso ko dahil sainyo at hindi makapag salita ng maayos, takot pumiyok at ipakit ang tunay na nararamdaman?
Hindi ba pwedeng mapagod?

"Tignan mo yan, pero pag friends nya kausap ang saya saya"
Hindi ba pwedeng maging masaya ng hindi dahil sainyo lang?
Pwedeng dahil sakanila, nakakalimutan ko yung sakit na binibigay nyo?

"Wala kasing kailangan kaya ganyan"
Siguro nga, siguro nga dahil napagod na kong manglimos ng pansin at oras sainyo.

"Ayusin mo yang nasa loob bago sa labas"
Paano ko aayusin kung bawat salita ko, nakikitaan nyo ng pagkakamali?
Na bawat dahilan ko, ang napapakinggan nyo ay ang pagmamalaki?
Na kahit kailan simula ng nagtapos ako sa kolehiya at nag katrabaho, di ako nag malaki kanino man.

"Mas pinili mong sumama sa mga kabarkada mo di ba?"
Hindi ko ba pwepwedeng bigyan ng pansin at oras yung mga taong gumagawa ng paraan na makasama ako?
Oras - oras kaya nilang ibigay,
Oras. Oras nyo lang ang kailangan ko

"Uunahin mo pa yang mga kaibigan mo"
Uunahin? Hindi. Binibigyan ko lang ng importansya yung mga taong kaya akong gawing prioridad. Yung mga taong kaya akong bigyan ng sapat na oras para hindi makaramdam ng kirot sa puso.

"Matuto kang umintindi"
marunong naman akong umimtindi, naiintindihan ko na hindi sapat yung perang meron tayo kaya hindi ako nag iinarte. lagi na lang akong umiintindi sainyo, hindi naman sa nag rereklamo pero sana naman ako din matututo din kayong intindihin ako.
Ako naman, parang awa nyo na.

Hindi naman sa masaama ang loob ko sa pag gugunita ng kaarawan, pero taon taon... Tuwing dumarating tong araw na to "araw ko" ang sabi nila.

Pinag darasal kong pag dilat ko, tapos na. Para hindi ko na ulit maramdaman tong nararamdaman ko tuwing birthday ko.

Nakaysa matulog ng may ngiti sa labi,
Luha sa mga mata at kirot sa puso ang nakakatulugan.

Ayoko na.
Ayokong kamuhian yung sarili kong kaarawan ng dahil sa sarili kong pamilya.



Sept 06  2018
8:58pm

Tangled MessWhere stories live. Discover now