CHAPTER TWO

14.2K 315 17
                                    

 

MIRA was busy typing her new manuscript. Then, she suddenly stop.

Nagsimula uli siyang magsulat. Pero huminto na naman siya. Hindi siya mapakali. Sa loob kasi ng dalawang linggong pagsusulat niya ay nasa dalawang chapter pa lang siya at naiirita na siya. Hindi naman siya dating ganoon kabagal bumuo ng isang manuscript. At pinagtatakhan niya iyon sa sarili.

“Hay! Tama na nga muna ito,” aniya sa sarili saka isinara ang laptop.

Lumabas siya ng silid. Nakita niya ang ina na nasa lawn ng kanilang bahay at nakikipagkwentuhan kasama ng kanyang Ninang Salome.

Nakangiting lumapit siya sa mga ito. “Hi, Ninang.”

“Hi, hija. Tapos ka ng magsulat?”

Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa tabi ng mga ito.

“Oo nga, anak. Sinabi ko kasi sa ninang mo na nagsusulat ka ng hanapin ka niya,” anang kanyang ina.

“Hindi pa po ako tapos pero kaya pa namang maghintay niyon,” aniya. Dinampot niya ang isang piraso ng cookies na siyang nakahaing merienda ng mga ito at kinain iyon.

“Teka, hija. Are you free on Saturday?” biglang tanong ni Ninang Salome.

Napatingin siya rito.

“Yes. Why, Ninang?”

“I’m glad,” nakangiting tumingin ito sa kanya. “Your Ninong and I are going to celebrate our thirtieth wedding anniversary.”

Nagalak siya. “Wow! Really? I’m in Ninang. Of course, I will be there.”

“Good,” sandaling nanatiling nakatingin ito sa kanya.

“Anything else, Ninang? A gift?” tanong niya nang mahalatang may sasabihin pa ito.

Ngumiti ito. “It’s okay. You don’t have to bring a gift. Your presence there is a gift for me. Alam mo naman na fan mo ako.”

Totoo iyon, isa ito sa masugid niyang mambabasa. Ngumiti siya rito.

“I still want to bring some.”

“Fine. Pero ‘wag ka lang magdadala ng date mo,” anito na halata namang nagbibiro.

Napatawa siya. May dahilan kaya nito nasabi iyon. Sinusubukan na naman nitong ireto siya sa anak nitong si Greg. Unfortunately, the guy was not into it. Alam rin nitong nag- aala kupido ang ina nito sa kanilang dalawa at hindi nito gusto iyon. Pero siya ay sinasakyan nalang din ang topak ng kanyang ninang. Kaya naman mas magkasundo sila nito kaysa sa binata nito.

“Sure, Ninang. As you wish,” sagot niya.

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon