CHAPTER EIGHT

12.6K 379 59
                                    

Halo! Halo! Kumusta sa lahat? 'Eto na ang Chapter Eight ng istoryang ito! Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa at nag-aabang nito! (Flying kisses sa inyo! Haha) Anyways, sana magustuhan n'yo siya... More power to us! Don't forget to comment and vote readers (wink)...Godbless sa inyo!

“HI, Ninang,” bungad ni Mira sa opisina ng Blooms and Bluecherry.

“O, hija.”

Sumama siya sa ina sa pagpunta sa shop para naman may mapaglibangan siya maliban sa pagsusulat. Hindi rin siya makakapagpahinga sa bahay dahil mas iisipin niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Iniwan niya ang ina sa labas ng shop dahil mayroon daw itong ipag-uutos sa mga tauhan. Si Carlyn naman ay bumalik na sa condo nito.

Iginiya siya ng ginang na maupo sa cream na couch na naroon sa opisina matapos nitong magpatimpla ng kape sa sekretarya ng shop.

Sapat lamang ang laki ng shop para sa isang munting opisina at sa labas naman ay naka-display ang iba’t ibang klase ng mga arranged flowers—courtesy of their talented employees and the owner, of course. One-sided mirror ang sliding door ng opisina. Kung saan makikita ang lumalabas at pumapasok na mga customer roon.

“Kumusta? Di tayo masyadong nagkikita ngayong mga nakaraang araw. Busy kasi kami ngayon hanggang sa mga susunod na araw.”

“Mabuti naman po. I heard, kababalik nyo lang po galing ng plantation.”

“Yeah. Matapos manggaling ni Pam roon. Ako naman ang pumalit. Malapit narin kasi ang Valentines day.”

“Oo nga po, e.”

“Anyway, kumusta naman kayo ng anak ko?”

Napakislot siya nang maalala si Greg.

Kinabahan siya sa tanong ng ginang. Nagkwento kaya rito ang anak nito? “A-ano naman po ang tungkol sa amin ni Greg, Ninang?”

Tinaasan siya nito ng kilay. Bumuka ang bibig nito. Ngunit hindi nito nasabi ang dapat ay sasabihin dahil sa pagpasok ng cute na sekretarya ng shop na si Nadine.

Tumayo siya para kunin mula rito ang dalang tray na may dalawang tasa ng kape. Inilapag niya ang mga iyon sa coffee table malapit sa couch. “Thanks, Nadine.”

“Walang anuman, Ate Mira. Basta ikaw.”

Mas matanda siya rito ng tatlong taon kaya ate ang tawag nito sa kanya. Isa rin ito sa masugit niyang mambabasa.

“Ate, nabasa ko po ‘yung ‘Everlasting Prince’ na libro n’yo. Sobrang nakakakilig po ‘yung hero. Pakiramdam ko ako iyong heroin sa kwento. Sobrang relate na relate ako. Ilang ulit ko pa nga siyang binasa. Actually, dala ko po siya ngayon. Na-vibes po yata na darating kayo. Pwedeng pa-authograph?” tuloy-tuloy na na sabi nito saka inilabas nito ang librong tinutukoy nito. Sabay abot rin ng ballpen sa kanya.

“Ano ka ba, Nadine. Oras ng trabaho ‘yan agad ang inaatupag mo,” sita rito ni Ninang Salome.

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Where stories live. Discover now