CHAPTER NINE

12.3K 267 5
                                    

HI, EVERYONE! Here's the second chapter from the last! Hihihi... At last malapit narin siyang matapos :-) Hope you will still enjoy reading "Greg and Mira's" story! I will ask again my dear readers: May you please put your thoughts down below and vote for this story? Thankiee and Enjoy! :-P

INIS na bumalikwas si Mira mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Malamim na ang gabi ngunit hindi siya dalawin ng antok.

“Nakakainis naman kasi ang Greg na iyon!” Isinuot niya ang kanyang manipis na roba saka bumaba ng kwarto upang magtungo sa kusina.

Hindi siya makatulog dahil iniisip parin niya ang sinabi sa kanya ni Greg. Kanina sa shop, matapos nitong ibigay ang bulaklak na para pala sa kanya—na siyang ikinagulat niya. Inimbita siya nito sa pinakamalapit na café para makapag-usap raw sila ng masinsinan. Ipinagtapat nito na balak nitong manligaw sa kanya. Siyempre pa ay nagulat siya roon. Akalain nga ba naman niya na magagawa pa nitong magpaalam sa kanya na manligaw gayong nang halikan siya nito ay hindi nagawang ipagpaalam iyon. Sabagay, wala naman siyang naging reklamo roon. She would love to kiss him all day. Nag-init ang mukha niya ng maalala ang mainit na halikan nila ng binata kanina sa Blooms and Bluecherry.

Tinanong niya ito kung bakit siya nito liligawan? Abay, ang sinagot ba naman ng siste. Nais lang daw nitong iparamdam sa kanya ang special na damdamin nito sa kanya. Ngali-ngaling batukan niya ito. Hindi kasi iyon ang nais niyang marinig mula rito.

Napabuntong-hininga siya habang nakapangalumbaba sa mesa. Tinitigan niya ang isang baso ng gatas na tinimpla niya. Kung sana sinabi nito ang tatlong magic words na inaasahan niya mula rito. Baka sinagot na niya agad ito ora mismo. Nakahalik na naman na kasi ito sa kanya. Ano pa ba ang saysay kung magpapakipot pa siya? Ang kaso, mukhang ito naman ang nagpapakipot. Mabigat tuloy ang loob niya nang maghiwalay sila kanina. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganoon. Samantalang ang panliligaw nito ang matagal nang inaasahan ng kanilang mga ina. Dapat nga ay natutuwa siya dahil sa wakas ay hindi mapupunta sa wala ang lihim na pagsintang purorot niya sa kinakapatid.

“Ku! Ang sarap sabunin!” gigil na ginulo niya ang buhok.

“O, anak. Sino’ng sasabunin?” tanong ng kanyang ina na bumungad sa pinto ng kusina.

Gising pa pala ito.

She sighed. “Nothing, mom. Ang sarap lang sabunin ng utak ko. I still can’t continue my story,” napangiwi siya sa pagsisinungaling.

“Abay, problema nga iyan,” naupo ito sa kaibayong upuan matapos kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. “Sagutin mo na kasi si Greg para may inspirasyon ka. Iyon lang naman ang kailangan mo, e.”

“Iyon na nga, mom. Liligawan nga daw niya ako. Hindi naman sinabi kung ano ang intensiyon sa panliligaw. Alangan namang sagutin ko agad. E, hindi pa naman siya nagtatapat,” sambakol ang mukhang reklamo niya.

“Ayon! Lumabas rin ang tunay  na problema,” napailing ito sabay ngiti. “Abay, hindi ba halata, anak? Siyempre may gusto sa ‘yo ‘yung tao.”

“Weh?”

“Bakit hindi ka naniniwala? Nahuli na nga namin kayong naghalikan.”

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Where stories live. Discover now