CHAPTER SEVEN

12.1K 331 11
                                    

Tada! Hi, guys! Wazzup! Here's Chapter Seven for this novel... And I will repeat 'wag pong mahihiyang mag-comment and voting narin... Thank you po sa mga nagtiyagang nagbabasa nito... appreciated po talaga ng bongga. Love you all! Enjoy reading and god bless! :-)

Nagtaka si Greg nang hindi man lang sinagot ni Mira ang tanong niya. Kaya naman tiningnan niya ito habang akay ang kaibigan raw nito. Nangunot ang noo niya. Mira was standing there with a shocked on her face. Or was she petrified? Hindi na kasi ito natinag sa kinatatayuan nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

            “Mira?” nakadama siya ng pag-aalala sa dalaga. Wala sa sariling nabitiwan niya ang kaibigan nitong akay niya para lapitan ang tulalang babae.

            “Aw!”

            Nakangiwing nilingon niya ang may gawa ng daing na iyon. Binalikan naman niya ang kaibigan ni Mira at muling inakay. Hindi man lang natinag kahit nasaktan na ito. Tulog parin. Nilingon niya ang kinakapatid.

            “Mira, are you alright? May masakit ba sa ‘yo? Humihinga ka pa ba?” sunud-sunod na tanong niya. Napansin niya kasing parang pinipigilan nito ang paghinga.

            Kumurap naman ito na tila noon lang nagising sa isang mahabang pagkakatulog. Dagli rin ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya. Napalunok pa ito.

            Something’s wrong with her… naisaloob niya.

            “I-I’m fine. M-medyo nagulat lang ako… kasi… ano…hay!” inis na kinamot nito ang noo. “Bakit ka nandito? I-I mean, malayo ito sa opisina mo? How come…?”

            He smiled. Nakita niyang napasinghap ito. Something’s definitely wrong as he watched her. Hindi nga lang niya matukoy kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito. And damn! She looked beautiful when she’s blushing. Marahil nakainom ito kaya namumula ang mukha. Nakita niyang lumabas ito sa bar and restaurant na iyon kasama ang kaibigan nito.

“I just drop my friend, diyan lang sa katabing hotel. I picked him up from airport. Balik-bayan, you know,” sagot niya sa tanong nito. “Kayo? Galing kayo sa loob?” tukoy niya sa bar and restaurant di kalayuan sa pwesto nila.

Tumango ito.

“Where’s your car? Tutulungan na kita sa kanya.”

She smiled at last. “T-thanks.”

Nagpatiuna na ito sa paglalakad habang nakasunod naman siya habang nakaalalay sa kaibigan nito. He placed her friend on the backseat when they’ve reach her car. The woman still has no idea what’s going on around her because of her drunkiness. Napailing nalang siya nang maisara ang pinto ng kotse. Nakapwesto na sa driver’s seat si Mira nang lumigid siya roon. Niyuko niya ito sa bintana.

“Are you sure you could drive safely?” tanong niya.

Napataas ang kilay nito. “Of course. Hindi naman ako nakainom ‘no!” asik nito.

“Whoa! Just asking. Masyado yatang mainit ang ulo natin.”

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Where stories live. Discover now