CHAPTER THREE

12.7K 344 30
                                    

 

EROPLANO ang sinakyan nila patungong Camiguin. Kaya naman hindi naging kainip- inip ang biyahe.

Ngunit hindi mismo sa resort sila tumuloy. Kundi sa ancestral house ng mga Villareal na isang kilometro ang layo mula sa Villareal’s Beach and Resort.

Isang katiwala ang siyang nagbukas ng may kataasang tarangkahan at siyang sumalubong sa kanila. Nang makapasok sila, ang unang napansin ni Mira ay ang malaking hardin na kung saan hitik sa mga iba’t ibang klaseng bulaklak. Sa gilid naman ng bahay ay may kambal na puno ng niyog kung saan may taling nakakabit sa katawan ng mga ito para sa isang duyan na nasa gitna na yari sa rattan.

Nakakalula ang laki ng mansiyon na nasa tatlong palapag. Napapalibutan ng mga mamahaling mga gamit ang paligid nang makapasok sila. Puro mga antiques at mga babasagin. Kabilang na ang malaking chandelier na nasa pinakagitna ng mataas na kisame sa malaking sala ng bahay. Ang malalaking banga na nasa gilid niyon na may mga Chinese designs ay halatang hindi biro ang halaga. At isang nakakalulang grand staircase na nasisiguro niyang patungo sa mga naglalakihang kwarto sa ikalawang palapag.

“Just rest for now, Pam,” anang Ninang niya sa kanyang ina pagkatapos ay bumaling naman ito sa kanya. “You too, Mira.”

Nakangiting tumango siya at akmang bibitbitin ang kanyang maleta ng may isang kamay na umagaw niyon mula sa kanya.

Napatingin nalang siya kay Greg nang ito mismo ang umagaw niyon.

Walang imik itong umakyat sa mataas na baitang ng hagdan.

Tiningnan niya ang dalawang ginang na nasa tabi parin niya. Nanunukso ang mata ng mga ito. Napailing nalang siyang sinundan ang binata.

Ipinasok ni Greg ang kanyang maleta sa isang marangyang kwarto. Tama nga ang hinala niyang malaki ang kwartong iyon. Mukhang kwarto iyon ng isang prinsesa.

Malaki ang pabilog na water bed na nasa pinakagitna niyon. Pink ang kulay ng kurtina na siyang gusto niyang kulay. May pink couch rin at pink table. Life-sized mirror na pink rin ang frame. Mahangin din roon dahil bukas ang glass window at pumapasok mula roon ang sariwang hangin mula sa labas. She really love the room.

“Ang ganda,” komento niya. “Hindi ko akalaing ganito kaganda ang ancestral house ninyo. Ngayon lang ako nakapunta rito.”

“Ipinahanda talaga ito ni ‘My para sa iyo. See, you’re very special to my parents,” sarkastikong tiningnan siya nito.

Matamis na ngumiti siya. “Mabait kasi ako. Kaya mahal na mahal nila ako. At mahal na mahal ko rin naman sila. Why? Are you jealous?”

Umiling ito. “At bakit naman ako magseselos? They’re my parents at dahil wala silang anak na babae kaya pinagtatiyagaan ka nalang nila. At kailanman ay hindi ako nagselos sa ‘yo.”

“And why don’t you want me to be your sister? Kung hindi ka naman pala nagseselos sa trato ng mga magulang mo sa akin?”

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu