CHAPTER TEN

20.8K 442 104
                                    

YES! YES! YES! Sobrang saya na natapos ko na ang kwentong ito... Hello guys, pasensiya na muntik ko na kayong hindi mabati hahaha... kumusta kayong lahat? I felt so great... Bear with me nalang hahaha Thank you everyone for reading this story and okay here's the last part of Greg and Mira's story... hope you still find it cute (gaya ko choz! hahaha) 'Sensiya may pagka-mongol lang ang author :-P 

“SAPAKIN ko kaya para magising.”

“Ako nalang, Nicole. Mas malakas, mas maganda.”

“Baka lalong hindi magising iyan, Kuya.”

Naalimpungatan si Greg dahil sa mga anasan na iyon sa paligid. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata para lang muling mapapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa kanya mula sa bukas na bintana. He groaned. Mukhang tanghali na siya nagising. Masakit rin ang ulo niya.

“Mukhang wala pa siyang balak gumising, Aiza.”

“Baka naman—“

“Shut up!” sigaw niya. Inis na bumalikwas siya para lang mapakunot-noo. “What…”

“Hey, bro,” ngumisi si Fitz sa kanya.

Nalipat ang tingin niya sa dalawang babaeng katabi nito. Una sa kapatid ni Fitz na si Nicole. Pagkatapos ay sa bestfriend naman ni Nicole na dating kasintahan niya—si Aiza.

Ang magkapatid ay noong isa’t kalahating linggo pa nakabalik ng Pilipinas. Siya ang sumundo sa dalawa nang araw na nakita niya si Mira at ang kaibigan nito na palabas ng bar sa Manila. Umiling siya pagkaalala sa dalaga.

“What are you doing here in my room?” asik niya.

“Your room?” tumaas ang kilay ni Aiza. “Pigilan n’yo ako. Makakasapak na ako.”

“Sige lang. Go, Sisi,” susog naman ni Nicole. ‘Sisi’ ang tawag nito sa bestfriend nito. “Baka sakaling magising ‘yan at maalala niya ang dapat na gagawin niya ngayon.”

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlo. Nahinto iyon sa mukha ni Fitz. “Ano bang problema ng dalawang ito, bro?”

“Don’t you remember anything about last night?”

Salubong ang kilay na pilit na inalala niya ang mga nangyari kagabi. Minute had past. Nasapo niya ang noo nang may biglang maalala. “Shit!”

“Naalala na niya, sis,” baling ni Fitz sa kapatid.

“Mabuti at nang makapagsimula na tayo,” nakahalukipkip na wika ni Nicole.

Inilibot niya ang mga mata sa kwarto. Kumunot ang noo niya. Wala siya sa sariling kwarto. Kung ganoon saan siya nakatulog?

“You were at my pad,” tila nahulaan ni Aiza ang nasa isip niya.

Loving you, Mr. Sungit (ROUGE HEART SERIES: BOOK 1) "Completed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon