BS 007

425K 5.6K 595
                                    











dedicated po kay CookieThough. Nakakalito ba pag parehong VINCE? hahaha balak ko sana parehong "VINCE'S POV:" banda banda dyan..hahaha














GAB'S POV:
















Hindi ko magawang sumagot agad nung sinabi nya na BUMALIK NA DAW AKO? Nakakatakot pa din kasi. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. GAB saan ka ba natatakot sa ANGRY BIRDS? potek na ANGRY BIRDS yan hindi ako makaget over.hahaha Kanina nung mag paalam sya na magbibihis lang daw sya medyo nanghinayang ako. Pwede naman ulit syang magbihis sa harapan ko gaya ng ginawa nya kagabi? ansabeh?hahaha Tinotopak lang ba sya kagabi kaya nya nagawa yun? Sana lagi na lang syang tinotopak pag ganun..hahaha







Bumangon na din ako para maglinis ng katawan. Kasi wala din naman akong pamalit na damit. Paglabas ko ng CR andun si VINCE tas may inabot sya na damit sa akin. DAMIT NG BABAE? Ilan na ba ang nadala nya dito?














"Sa kapatid ko yan. May mga damit sila dito kung sakali man na hindi sila makauwi agad"














Sabi ko nga. Kinuha ko yung damit at tumalikod na ako sa kanya. Masyado bang obvious na yun ang iniisip ko? Masyado bang obvious na nagseselos ako sa iniisip ko? Hindi nyo naman siguro ako masisisi. Isang taon. Sa gwapo nyang yan imposibleng wala syang ipinalit sa akin.









Pagkalabas ko ng CR. Hindi ko sya nakita sa kwarto. Ano namang feeling mo GAB na hihintayin ka nya? Paglabas ko andun sya sa may kusina at naghahanda ng breakfast namin. NAMIN? Parang ang sarap isipin na laging ganito. Ipaghahanda nya ako ng Almusal. Papakainin nya ako HOTDOG at ITLOG tuwing umaga.







"KAIN NA TAYO"











Yang ngiting yan na naman. Ang aga aga nang aakit. Pagkaupo ko sa sinalinan na nya ako ng fried rice tas yung HOTDOG at ITLOG. Maasikaso talaga sya kahit dati pa. Sa university nga sya lagi yung bibili ng lunch namin tas minsan kulang na lang subuan nya ako. Kaya hindi ko alam kung paano ako mag momove on nun nung nagbreak kami. Nakapag move on na ba ako? Tiningnan ko sya. Parang hindi pa din pala. Kahit isang taon kaming hindi nagkita sarili ko lang ang niloloko ko na nakalimutan ko na sya. Ni wala akong makapang GALIT na dapat nararamdaman ko dapat ngayon.









Pinawi ba ng pagsasayaw nya yung GALIT na dapat kong maramdaman sa kanya? Napailing na lang ako. Grabe yung pagsasayaw pa din talaga nya. Hindi mwala sa isip ko. Si sponge bob. Pero maganda sana kung pati si ANGRY BIRDS nakita ko. ansabeh?hahaha










"MATAGAL KA NA BANG SUMASAYAW?"














Nagulat sya sa tanong ko. Kung nagkataon siguro na umiinum sya nung nagtanung ako malamang naibuga nya yun. Ang CUTE lang talaga nya.









" FIRST TIME yung kagabi"














"WEH? mukhang sanay na sanay ka naman eh"











"adik. pinakiusapan lang ako ng mga barkada ko kaya ako nakapagsayaw dun"











"hindi naman halata na parang napilitan ka lang kagabi"














Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon