BS 026

221K 2.6K 204
                                    

 nakakahilo nga pala ang araw araw na update. pero hindi ko naman mapigilan.hahaha Dedicated po kay jessicacorpural. Sana tama yung pagkakatanda ko ng username. Hindi kasi open cp ko ngayon habang nagtatype. Halata ba masyado na laging VINCE MICHAEL VILLALUZ nagtatapos ang bawat chapter? hahaha 

VINCE'S POV: 

"VINCE KUNG MAY BALAK KANG IBANGGA TONG SASAKYAN MO PWEDE BANG IBABA MO MUNA AKO!!!!" 

Doon lang ako natauhan. Grabe VINCE magagawa mo bang ipahamak ang babaeng pinakamamahal mo dahil lang dyan sa hindi mo mapigilang TOPAK mo? Matapos kong dahang dahang itabi ang sasakyan ko. Niyakap ko na sya. VINCE hindi mo ba mapipigilan ang TOPAK mo? 

"sorry po.. loveyou po." 

Alam ko na nasaktan ko na naman sya. Kasi parang lumalabas na ayaw ko syang pakasalan. Sinong bang may ayaw na maging Mrs. Vince Michael Villaluz ko sya. 

Nung manggulo si MICH sa amin, at halos dalawang linggo nya akong hindi pinansin plinano ko na talaga na magpropose sa kanya. Kasi hindi ko kakayanin na mawala ulit sya sa akin. 

"magpapakasal naman tayo eh.. papakasalan kita.. konting panahon pa vince.. ikaw lang mahal ko" 

Konting panahon lang naman ang kailangan ko para ihanda sya. O itama na din yung mga pagkakamali ko nung mga panahong nagkahiwalay kami. Habang yakap yakap ko sya hindi na sya nagsalita. Vince bakit ba hobby mo na na saktan sya. 

"Vince.. sorry na baby" 

Kumalas na sya ng pagkakayakap sa akin. Seryosong seryoso ang mukha nya. 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon