BS 019

250K 2.8K 374
                                    

VINCE MICHELLE'S POV: 

After nung umalis si VINCE at sinabi nya na magpapakasal sya, hindi na ulit sya nagpakita sa akin. Kahit sina tito aaron hindi alam kung anong nangyayari sa anak nila. Nung birthday nya nahiya lang siguro sya kayna daddy kaya pumunta sya sa dinner na inihanda namin sa kanya.

Pero hindi ko alam kung bakit ang lungkot lungkot nya nun. Ayaw ba nyang magpakasal sa akin? May iba na ba talaga syang Mahal? Nahuli na ako? Sana pala hindi ko na lang sya iniwan dati. 

Bago kami nagkahiwahiwalay nung gabing yun may binigay si Tito aaron na address ng simbahan, dapat ganung time din daw akong pumunta. Malilinawan daw ako kung bakit ganyan si VINCE.

Hindi pa din kami nagkausap ni VINCE nun kasi bigla bigla na lang syang umalis. Nasasaktan ako sa ikinilos nya. Kahit gusto ko syang ipaglaban parang TALO na agad ako. Pagpunta ko kinabukasan sa simbahan. may nakita ako na umiiyak na babae.

Nasasaktan ako para sa kanya o mas tamang nakikita ko ang sarili ko na masasaktan din ako ng sobra sobra. Ilang babae ba ang nasasaktan sa oras na ito? Nagulat yung babae nung may lumapit sa kanya na guy. Hindi kalayuan ang pwesto ko sa kanila. 

Pero mas nagulat ako kasi si VINCE MICHAEL VILLALUZ yung guy na lumapit sa kanya. Isang nakangiting VINCE.. isang masayang VINCE. Bakit parang ang dali dali para sa kanya na ngumiti para sa babaeng yun? 

Bakit VINCE? Sya ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw mong makasal sa akin? Umalis sila ng simbahan na parehong masaya samantalang ako halos lumuha na ng dugo sa nararamdaman kong sakit.

Hindi ko alam kung tanga ba ako o ano pero sinundan ko sila. VINCE masokista ka ba? Gustong gusto mo na sinasaktan ang sarili mo? Tumuloy sila sa isang bahay. Baka bahay yun nung girl. Nakakainggit. Sana makasama ko din si VINCE ng solo na ganyan. 

Kung hindi ako umalis noon baka ako sana ang kasakasama nya ngayon.. Hinintay ko na lumabas si VINCE sa bahay na yun pero ginabi na ako sa labas walng VINCE MICHAEL na lumalabas. Tanging tawanan lang at tili ang naririnig ko sa loob. Ang saya saya nila. 

Ang sakit sakit lang kasi ang saya saya nila. Sana ako na lang vince ang nagpapasaya sayo. Sana ako na lang. Sa bawat tawa na naririnig ko sa kanila katumbas ng mga luha na galing sa mga mata ko. 

Hinintay ko ang panahon na to. Na makabalik ako ng Pilipinas,. pero hindi ko akalain na magiging napakasakit pala para sa akin ang mangyayari. 

"Vince anong kasalanan ko sayo para saktan ng ganito? Mali ba na minahal kita?" 

Kung ang ama ko sumuko agad ibahin mo ako. Hanggat hindi napapatunayan ng babaeng yan ang pagmamahal nya sayo hindi ako titigil para makuha ka ulit. Akin ka nung una pa lang at hanggang sa huli mananatili kang AKIN. Sorry ka na lang VILLALUZ tinuruan mo akong maging MASAMA. 

Ang dami kong ginive up para sayo. Career ko.. pride ko. Pero sa iba ka lang pala magpapakasaya. Magalit man sina tito at tita pero hindi ako papayag na ako lang ang magiging miserable sa sitwasyon natin. Hindi kita basta basta isusuko. 

Lahat gagawin ko magmakaawa ka lang sa akin. Kahit pa maghirap ang pamilya nyo. Sa akin pa rin ang huling halakhak VINVE MICHAEL VILLALUZ. 

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon