BS 023

251K 2.9K 163
                                    

                                    MAY 1. ARAW NG PAGGAWA?? 

VINCE'S POV: 

Andito na KAMI sa bahay ng mga VILLALUZ ngayon. Parang nung una akong pumunta dito sobra sobra akong nasaktan tapos ngayon naman sobra sobra akong kinakabahan. Nakakakaba kasi yung mommy ni VINCE.. kung mas TOPAKIN pa kay VINCE? Ano na mangyayari sa buhay ko? 

"mommy.. si VENICE GABRIELLE po.. Girlfriend ko" 

Pagpasok kasi namin sa bahay nila, kumpleto na yung family ni VINCE. yung mommy nya..si daddy aaron at yung kambal. Sobrang ganda lang nung kambal. 

Bakit ang ganda ng lahi nila?

Ang sarap tuloy MAGPALAHI? 

HAHAHA Grabe GAB.

Tantanan mo muna sa UTAK mo yang KAHALAYAN. Isipin mo nasa hrap mo ang future Family mo. 

"good evening po.. Tita.. tito.." 

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanila para humalik o magmano? Hindi ko alam ang ikikilos ko, first time naman kasi na ipakilala ako sa pamilya ng boyfriend eh. Saka si VINCE MICHAEL lang naman pala yung naging BOYFRIEND ko.

Kaya kasalanan ni VINCE kung bakit ako nahihirapan ngayon. Dahil sa sobrang kakaisip ko na kasalanan ni VINCE, nakalapit na pala ang mommy nya at niyakap ako. Parang naiiyak ata ako na ewan. 

Gusto na ba nya ako para sa anak nila? Parang lahat ng kabang nararamdaman ko kanina napawi ng yakap na yun . Pero nagulat ako sa sinabi nya sa akin . feeling ko ang pula pula ng mukha ko. Parang paukit ulit nga na isinisigaw ng utak ko yung sinabi ng mommy ni VINCE. 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon