BS 010

337K 4.4K 217
                                    

. dedicated po kay Ivylim. 

VINCE'S POV: 

"Bakit dalawa binili mo?" 

Tanong ko kay Vince nung ilapag nya yung dala nya sa table. Bakit nga ba dalawa? At bakit bumili pa sya? Di ba nag dinner na sya kasama ng kawork nya? Kanina nung sumama sya sa mga yun hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Kung uuwi na lang ba ako o kung susundan ko siya. Pero mas pinili ko na hintayin na lang sya dito sa bahay nya. OO alam ko kung nasaan ang susi pero mas pinili ko din na sa labas na lang sya hintayin.

Atleast dun may paglilibangan kasi ayaw ko kasing masyadong mag isip. Nasasaktan talaga ako. Kahit nung dumating sya hindi pa din mawala yung sakit. Tinotopak ka naman VINCE. 

"hindi ako masyadong nakakakain kanina eh. Kaya gutom pa din ako" 

"Bakit dalawa?" 

"eh gutom pa nga ako" 

"BAKIT NGA DALAWA?!!" 

"ano bang problema mo kung dalawa man ang binili ko?!! Pera mo ba?" 

"bakit kasi ayaw mo pang aminin na kaya dalawa kasi iniisip mo na andito ako, na naghihintay ako dito. Ganun lang naman kasimple VINCE.." 

Natigilan sya sa sinabi ko. Parang napasobra ata ako. Assuming lang ako? Baka nga gutom na gutom lang sya kaya dalawa binili nya. 

"Bakit ko pa kailangang sabihin? kung yun naman pala yung iniisip mo? Bakit pa di ba? Kung nagugutom ka.. ikaw na lang ang kumain. tutulog na ako. Kakawalang gana lang.." 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon