BS 031

198K 2.3K 144
                                    

GAB'S POV: 

Andito pa din kami sa may tabi ng pool. Ewan ko dito kay Vince, dito muna daw kami. Nakalubog ang mga paa namin sa tubig,parang mga bata lang..hehehe Tas yung kamay ko hawak hawak nya, lalo na yung singsing na nakasuot dun, yung nilagay nya dun kagabi lang. 

"hindi ka pa rin ba makapaniwala na engaged na tayo VINCE MICHAEL?" 

"Oo.." 

"pwede mo naman tanggalin yan.. para hindi na tayo engaged.. " 

"HAHAHA saka ko na lang tatanggalin" 

At may balak talaga syang tanggalin? Itulak ko kaya sya para matauhan sa mga pinagsasabi nya? Hinila ko yung kamay ko na hawak hawak nya, pero lalo lang nya itong kinulong sa mga palad nya.

Eh ang laki laki kaya ng kamay nya.. eh di ba sabi nila pag malaki daw ang kamay.. malaki din daw ang... malaki din daw ang SIZE ng GLOVES..hahaha Pinilit kong makuha ang kamay ko.. pero anong laban ko sa mga kamay nya? 

"saka ko na lang tatanggalin..pag wedding ring na yung ipapalit ko.. kasi ang panget naman kung dalawa ang singsing mong suot.. hindi safe yun" 

"paanong hindi safe yun?" 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon