BS 027

212K 2.6K 198
                                    

Dedicated po sa kanya. Simula pa sa BF lagi kong inaabangan ang comment nya. Pag napagcomment na sya. MASAYA na ako.Salamat po kasi isa ka sa dahilan kung bakit ko natapos ang BF. Kung hindi wala sanang VINCE MICHAEL VILLALUZ ngayon.hehehehe

VINCE POV: 

Dali daling lumabas si VINCE sa sasakyan ko, hindi ko na sya nagawang habulin pa kasi sakto na may TAXI na dumaan. Alam ko na pag pinuntahan ko siya sa bahay niya hindi na naman nya ako haharapin.

Ayaw ko na masaktan pa sya lalo. VENICE GABRIELLE Mahal na Mahal kita. Nagdesisyon akong puntahan si Lily. Hindi ko na mahihintay pa na makapanganak sya. Hindi ko hahahayaan na masaktan si VINCE ng ganung katagal.

May tinawagan lang ako para malaman kung saan sya nakatira. Kung akin nga ba talaga yung dinadala nya, kikilalanin ko naman yun pero masakit sa akin na hindi ko sya mabibigyan ng buong pamilya. 

Pero hindi ko naman maimagine ang buhay ko ng hindi si VINCE ang kasama ko sa pagtanda ko. Kaya Vince Jr maiintindihan mo naman ako di ba? Dalawang nanay pa nga yung makakagisnan mo.

Mabait naman si VINCE. Sa isang sikat na subdivision sa laguna sya nakatira. Medyo kinakabahan ako kasi paano kung KASAL ang gusto nya? Sa kalagayan nya dapat hindi pinapasama ang loob pero paano ko sasabihin na hindi ko maibibigay sa kanya ang bagay na yun? 

"SIR?" 

Nagulat si LILY nung pagbuksan nya ako ng pinto. Pero mas nagulat ako sa LILY na nasa harap ko ngayon. Anong nangyari? Bakit?!! 

GAB'S POV: 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon