Chapter 6 ∞ Kainis

249K 3.3K 95
                                    

Mandy POV

 

As always,  ang boring ng araw para sa’kin. Bukod sa mag-isa lang ako dito sa kwarto sa mansyon namin, wala pa akong friends talaga sa SWU. Nakaka-imbyerna ang mga students dun, mga feeling maganda. If I know, wala silang binatbat sa’kin. Psh.

Naalala ko yung nangyari sa engagement party namin ni Kyle. Oo, di ka nagkakamali ng basa, si KYLE SHIN-WOO nalaman kong fiance ko. Ipinagkasundo kami ng mga Papa namin. I’m lucky isn’t it? Kahit pa sabihing si Chelsea ang mahal nya, sa’kin pa rin ang huling halakhak.

Pero ba’t ganon, parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Kyle nung engagement party.

*Flashback*

 

 

“Kyle..” Tawag ko kay Kyle nang lumapit ako sa kanya.

 

 

“Anong kailangan mo?” tanong nya nang hindi tumitingin sakin.

 

“Small world talaga ‘no? I didn’t expect na hanggang sa huli, tayo pa rin pala. True love huh!” sarkastikong sabi ko.

 

“Tch.” 

 

“Ang daming bisita ‘no? I’m sure excited silang lahat sa engagement natin. Halos lahat sila, sinabing bagay daw tayo. And oh by the way, pwede mo ba akong samahang bumili ng isusuot ko sa engagement party natin?” Nae-excite na tuloy akong ikasal kay Kyle.

 

 

“Stop that crap Mandy. Hindi ko ginusto ang arrange marriage na’to. Kaya pwede bang huwag mo na akong kausapin?” 

 

 

 Huh? Now, he’s shouting at me? “Bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong ko.

 

 

“Dahil ayoko sa’yo! Ayokong makasal sa’yo.”

 

 

Tumawa ako pero deep inside, nasaktan din ako. “As if naman may magagawa ka Kyle? Kawawang Chelsea. Nasa akin talaga ang huling halakhak.” Sabi ko nalang.

 

 

 “Matuwa ka hangga’t malagutan ka ng hininga ha? Tch.” Sabi nya saka akmang iiwan ako dito sa may garden pero hinawakan ko sya sa braso nya. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon