Chapter 29 ∞ Same Dress

165K 3.1K 618
                                    

NOTE: YUNG PICTURE NA MAGKATULAD ANG DRESS NINA YNNA AT MANDY NASA GILID.

----------------

Mandy POV

What the hell. Sa dinami-daming damit, nagka-tulad pa kami. As in magkatulad, walang mintis. Sa kulay at sa design. Damn it. Nawala tuloy ako sa mood. 

"Bakit kailangan mong gayahin ang damit ko Mandy?" Mataray na tanong ni Ynna. 

Aba matinde. Ang lakas ng loob na mag-taray saken. Sa harap pa ni James at ng Mama ni James?

=_=

"Do you think, ginaya kita? Why should I? Hindi ko gusto ang taste mo sa damit kaya pwede ba? Hindi ko nga alam kung paano tayo nagkatulad samantalang magkalayong-magkalayo tayo ng fashion sense."

Namula si Ynna. Parang napahiya. So it means, tinamaan sya sa sinabi ko. So totoo talagang malayo ang differences ng fashion taste naming dalawa.  

"Ako ang pumili ng dress nya." Singit ng Mama ni James. 

Oh. See? May similarity pala kami ng Mama ni James pagdating sa damit. Damn. "Hindi naman pala ikaw ang pumili nyang suot mo tapos kung makapag-bintang ka na ginaya ko ang suot mo, wagas."

Hinawakan ako ni James sa braso. "Mandy.." bulong nya. Now what? He's trying to stop me? No. 

"Nauna akong dumating dito. Malay ko ba kung..."

Sinusubukan ako nitong si Ynna. "Ikaw ang unang dumating but it doesn't mean na ginaya ko ang suot mo. Mag-isip ka nga Ynna."

"Tama na yan. Ynna, 'lika iha sa loob, magpalit ka ng dress. May dala ka namang extra 'di ba?" Singit ulit ni Tita Jamie. 

Buti naman. Alangan naman na ako pa ang magpalit ng damit? Like duh. Kung ako lang din ang magpapalit, uuwi nalang ako 'no. 

"Pero tita.." Ayaw pa sana ni Ynna. Bakit? Na-realized ba nya kung gaano ako kagaling pagdating sa fashion kaya naiinggit sya sa suot ko? Bitch. 

"Let it be. Mag-aaway lang kayo. Isa pa, nakakahiya na makita ng mga bisita na pareho pa kayo ng suot." Sabi ulit ni Tita Jamie. 

May hiya pa pala yung Mama ni James. Psh. And wow ha, hindi nya ako tinatarayan ngayon. Baka makatikim din sya ng pagtataray ko kahit pa mas matanda sya at Mama sya ni James. 

"Okay Tita." Sagot ni Ynna. Bago pa man sila nakatalikod, inirapan pa ako ni Ynna. 

Babaeng yun talaga. Psh! Tanggalan ko sya ng pilikmata eh, makita nya. 

"Mandy.."

"WHAT?!" Napalakas ang boses ko. Kanina ang tahimik niya ah, himalang hindi sya nakialam sa'men ni Ynna. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon