Chapter 55

126K 3.5K 593
                                    

Mandy POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Parang binibiyak sa sakit. Ano bang nangyari? Napatingin ako sa may bintana. Madilim naman. Nasaan ba ako?

"You're awake."

O_____O

His voice. It's him. I know. I'm sure. Paanong..

"I'm still waiting for someone who can open the door for us." Sabi niya. 

Ano bang sinasabi nya? Open the door? Bakit? Hindi ba niya kayang buksan ang pinto? At teka nga..

O______O

Bakit kasama ko siya dito sa kwarto?! Hindi ba't galit siya sa'ken? Stranger at old friend na nga lang tingin niya sa'ken. Past is past na nga daw eh. Pero paanong nagkasama kami dito sa kwarto?

"Fancy trippings. She locked us here at her room. That little devil.."

O___O

Trippings? Teka lang ha. Ni-locked kami ni Fancy dito sa kwarto? Pero..

Waaa! Alam ko naman ang about sa mga planong trippings ni Fancy pero ito, wala akong alam dito. Paanong kinulong kami? Why?

"Are you okay?" Tanong niya. 

Is he my James? Bakit parang nag-aalala siya sa'ken? He sounded like my old James. 

"Uh, masakit lang ang ulo ko." Sagot ko. Totoo naman. Ang sakit talaga ng ulo ko. 

"Fancy did something horrible." Sabi niya. Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha siya. He's sitting on the one-seater na nasa tabi nitong kamang hinigaan ko. 

Umupo ako at sumandal sa headboard. "Something horrible?"

"It's hard to explain. But it's fine now. Just sleep. I'll wake you up kapag nabuksan na ang pinto."

Napaisip ako. Ano ba talagang nangyari? Wala akong matandaan eh. Kanina pa kaya ako natutulog? Bakit parang ang kalmado ni James?

"J-James, ano bang nangyayari?" Tanong ko. Naguguluhan talaga ako. Wala akong matandaang kahit ano. 

"Nothing." Sagot niya. Cold as ice. 

Natahimik ako. Nasasaktan na naman alko. Is this the right time para mag-usap na kami ng tungkol sa'men?

"James.."

"Sleep." Sagot nya lang. 

So ayaw niya akong kausap? Ganon ba yun? "But James.." Kahit papaano ay gusto ko pa ring magpaliwanag ng side ko. Gusto ko ding malamang kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Kung bakit kakaiba ang pakikitungo niya sa'ken mula ng bumalik siya galing Korea. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon