Chapter 35 ∞ Confession

148K 2.8K 389
                                    

James POV

Ang bilis naman ng araw. Pero ayos lang, at least okay kami ni Mandy. Lage nga kaming magkasama every lunch pati uwian.

Nakaka-adik talaga ang demonyitang yun. Ilang beses ko din syang nahuhuling may inaapi at dinidikitan ng pink card kuno nya. Talaga naman oh. Pero hindi ko na sya pinapakialamanan kase ayokong pag-awayan namin yun.

Hindi ko sya kailangang baguhin dahil sa gusto ko lang. Let her be. Tanggap ko sya kung ano sya.

Kanina narecieve ko ang text ni XKing. At damn! Mamayang gabi na nga pala yung car racing namin. Hindi ako pwedeng magpatalo. Natural yun dahil alam kong bubugbugin nila ako.

Gangster sila. Wala silang awa.

Krrrrinnnggg..

Inabot ko ang phone ko ng hindi tinitingnan. Ganda kase ng view dito sa garden sa mansyon. Lalo na't iniisip ko paano makukuha ang susi ng garage na nakaparada ang sports car ni Lance. Hahaha. Lagot ako don. Pero iingatan ko naman ang kotse nya.

"Hello?" Sagot ko sa phone call.

[Busy?]

Whoah! Nabuhay bigla ang dugo ko. "Mandy ko!" Sigaw ko.

[Psh. Anong KO? Kapal nito. Busy ka nga?]

Tch. Hindi nya pwedeng malaman ang about sa race. Alam kong magagalit sya lalo't si XKing pa ang kalaban ko.

"Medyo. Pinagbantay ako ni Bro sa alaga nilang aso eh. Nandito ako sa mansyon." Pagsisinungaling ko. Potek. Kelan pa nahilig sa aso si Bro?

[May aso bang alaga sina Lance?]

Hindi talaga kami pwedeng magkita ngayon kase sigurado aabutin kami ng gabi. Eh may race ako mamaya. Di talaga pwede. "Ah! Oo. Kasinglaki ng tiger. Hahaha. Basta Mandy, masama mangagat 'to. Nangangain ng tao."

[Ginagago mo ba ako lalaki?]

Napangiwi ako. Harsh din ng demonyitang 'to eh. "Hindi. Basta bukas nalang. Susunduin kita sa mansyon nyo at dadalhin kita sa langit, pasasa---"

[Damn you!]

Hahahaha. Malamang inis na inis nya ngayon. "Di na 'to mabiro. Ingat ka ha? Tama na ang pagpi-print ng pink card! Hindi ka nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Nagsasayang ka ng ink!" Paalala ko.

[It's mine so don't mind it. Psh. And as if naman uunlad ang Pilipinas kapag hindi ko ginamit ang ink ko? Psh. Magdinner ka na ha?]

Hahahahaha. "Yan naman talaga eh. Sweet talaga ng Mandy ko. Inaalala talaga ako."

[Wag ka ngang sobrang assuming. Pag nagkasakit ka, siguradong ako mag-aalaga sayo. Maaabala moko kaya kumain ka ng maayos!]

=_=

Kahit kelan talaga. "Sus. Andyan naman si Ynna." Biro ko.

[Edi magsama kayong dalawa! Bwisit!]

Hahaha. Sounds jealousy. Hoho. "Nagbibiro lang ako. Alam mo namang ikaw lang ang babaeng gusto ko. Oh! Wag masyado kiligin baka mayanig ang mundo. Magka-earhquake pa. Hahaha."

[Psh. Ewan sayo! Sige na. Bukas nalang.]

"Yeah sure. I love you Mandy ko." Sweet na sabi ko.

Saglit na natahimik sa kabilang linya.

"Uy Mandy? Still there?"

[Uh, ano--yeah. Sige na.]

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon