Chapter 51

120K 3K 641
                                    

James POV

"That's all?" Tila nang-aasar na tanong ni XKing habang nakadapa na sa sahig. 

"Fvck you! I will kill you XKing!" Sigaw ko. Susugurin ko na sana siya nang mapatigil ako sa sunod na sinabi niya. 

"Walang wala ang mga sugat at sakit ng katawan sa sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Putan**na!"

Great. Wala na ba sila ni Mandy? Baka pinagsawaan na rin siya. Tulad ng ginawa ng babaeng yon saken. 

"Kill me, I deserved this revenge. Tch!" Sigaw ni XKing. 

Huminahon ako at tiningnan siya ng blankong ekspresyon. Enough. I won. "Pasalamat ka may puso pa ako." Tumalikod na ako pagkasabi niyon. 

Lumabas ako sa building na yun at sumakay sa kotse ko. Paharurot ko yung pinatakbo. Tang*na. Masarap din sa pakiramdam ang maka-ganti. 

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa condo ko. Hindi muna ako uuwi sa mansyon ngayon. Gusto kong mapag-isa. 

Pagpasok na pagpasok ko sa unit ko ay kumuha ako ng mga beer sa fridge ko. Dumiretso ako sa salas. Umupo ako sa carpeted floor. Binuksan ko ang alak saka tinungga iyon. 

E'di brokenhearted nga ang puta**nang XKing na yon? Anong nangyari sa kanila ni Mandy? Ano? Pinagsawaan na rin nga siya? Tch. Ibang klasen babae talaga. Demonyita kung demonyita. Kelan nga ba magse-seryoso sa isang relasyon ang isang demonyitang tulad niya? 

Pagkatapos kong gawin ang lahat. Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan? Fvcking shit. Ito lang ang gagawin niya saken? Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Isa pa, wala ng dahilan para magtagpo pa ang landas namin. Babalik din akong Korea. Hindi na ako mag-stay dito sa Pilipinas ng matagal. Mission accomplished. Naka-ganti na ako sa XBang. Paano ko nga ba nagawa 'yun? Napatumba ko silang lahat ng ako lang. 

Simple lang. Wala akong pakialam kung pandaraya man ang ginawa ko. Ang nasa isip ko lang ay makaganti. Two weeks ago, umuwi ako dito sa Pilipinas. May nakilala akong mga gangster na taga-underground world. 

Nagpatulong ako sa kanila para i-build-up ang katawan ko. Gusto kong lumakas. Gusto kong maging kasin-tigas ng bato. Araw araw akong nag-gym. Pero hindi 'yun ang secret kaya natalo ko sila. 

Yung dalawang lalaking kasama ko sa mansyon nong birthday ni Fancy, kinabukasan, sila ang kasama ko papuntang Mexico. May sindikato silang kakilala don na nagbebenta ng drugs. Oo, drugs. Drugs na hindi ko maintindihan kung paano ginawa yon. Basta ang alam ko, ang matinding epekto ng drugs na yun, lalakas ang katawan. Daig pa niyon ang steroids. Kakaibang lakas ang hatid non sa buong sistema ko. Tipong nabubuhay ang mga ugat ng muscles ko. Tipong bawat atakeng gagawin mo, malakas ang magiging epekto sa kanila. Isang suntok lang, katapat non parang sinuntok ka ng malaking bakal. Kaya siguradong tutumba agad ang kalaban. 

Wala naman side effects. Yun nga lang, nagkakahalaga iyon ng milyones. Pinaggastusan ko 'yun para sa XBang. Dahil gusto ko silang magantihan ng walang kasamang tulong ng iba. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon