Chapter 11 ∞ Walk-Out

209K 2.9K 345
                                    

James POV

Alam nyo na ba ngayon kung kanino ako nagmana? Walang iba kung hindi sa mama ko. Bine-baby pa'ko. Kakahiya tuloy kay Mandy ko. Tch.

Andun sila ni Ynna sa baba nagku-kwentuhan yata. Ewan ko ba paano sila nagkakilala. Ang liit naman ng mundo. Psh.

Makatulog na nga lang. Nasira ang moment namin ni Mandy ko. Pinagnanasaan pa naman nya kanina ang one pack AB ko. Haha.

Teka nga, matawagan sandali.



[Oh?]

Ang sungit naman ng babaeng 'to. "Sungit mo. Bipolar ka ba?" Haha.

[Arrgh! Nakakainis ka! Bakit kasama ng Mama mo si Ynna ha?]

Selosa talaga. Kunwari pa. Kung sinasagot na ba nya ako, edi ayos na sana. Pakipot pa kasi. Tch. "Aba malay ko. Ako ba si Mama? Saka kita mong ikaw kasama ko mula kanina. Tch." Sagot ko.

[Ahhh! Basta nakakainis yung babae na yun! Mahadera!]

Lumalabas na naman ang pagka-demonyita nitong si Mandy. "Tch. Tama na yan. Ano bang kinakainis mo? Dahil lang kasama sya ni Mama?"

[Oo! Nakakainis! Nagpapa-good shot sa Mama mo! Aish!]

Nagseselos. Ayaw pa aminin. "Tch. Ganito nalang, dinner nalang tayo mamaya kasama si Mama para mas mapakilala kita ng maayos at pormal. Bigla kang umalis kanina eh."

[Nakakainis naman kasi yung Ynna na yun. Nakakasira ng araw kaya umalis na din ako. Di tuloy ako nakapagpaalam ng ayos sa Mama mo.]

"Oo nga. Tch. Kaya mas mabuti na ma-good-shot sya sa'yo. Let's have dinner okay?" Sabi ko. Nainis si Mama kanina sa inasal ni Mandy eh. Bigla kasing umalis.

[Fine. Call me later kung saang restaurant.]

"Okay. I love you."



[KYAAAAAA--]

Inilayo ko tainga ko sa phone. Sobra makasigaw si Mandy. Parang sirena ng barko. Tch. Sakit sa tainga.

"Sige na, sige na. Matutulog muna ako. I'll call you later okay? Wag ka masyadong magpapaganda mamayang gabi, baka pakasalan kita ng wala sa oras. Hahaha." Biro ko.

[Tse! Sige na.]

"Ang su--"

*toot toot*

Tingnan mo 'to binabaan ako. Tch. Etong si Mandy sumobra ang pagka-indenial. Ano bang masama kung aminin nyang nagseselos sya kay Ynna. O kaya kinikilig sya sa'kin? Tch.

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon