Spoken Poetry ( Isip at puso).

4.5K 30 6
                                    

Leehanjung97.
.
.
.
.

Ayaw ko munang umalis! Ayaw ko na munang bumitaw,
Lalaban pa ako!Naghuhumiyaw na dikta ng puso ko. Ngunit alam mo ba ang ibinubulong ng isip ko? Tama na! Awat na! Kasi masakit na baka hindi mo na kayanin pa. Oo, bulong laman iyon pero dinig na dinig ko. Ang isip ko'y bumubulong nalamang dahil alam nitong lagi naman ang puso ko ang lamang!

Minsan ko nang naitanong sa kawalan kung umpisapalang meron ba akong dapat panghawakan? o meron ba akong pinanghahawakan?

Kasi kung wala? Nais ko nang makalaya.. makalaya sa damdamin kong nagdulot sa akin ng minsang saya at nagdulot din sakin ng sakit na aking damang dama.

Umasa ako! Umasa kasi ako na maiaahon mo ako sa pagkakahulog ko sa bangin ng pag ibig ko sayo. Ngunit mahal, naisip ko .. maiaahon at aabutin mo ba amg kamay ko samantalang noong nahulog na nga si tangang ako, ay hindi mo ako naggawang masalo? Teka ..O mas magandang sabihing hindi mo talaga ako sinalo.. dahil nasa iba naka-abang ang mga bisig mo.

Teka muna sandali..makakatagal pa naman ako! Kahit sandali nais ko pa masilayan ang mga ngiti ng taong nagpasaya at hindi sinasadyang nakasakit sa puso ko. Kahit nasa bingit na ako ng pag bitaw? Gusto ko na maalala mo ako! OO AKO! AKO! at hindi ang taong hinihintay mo na mahulog sayo! Ako na inaakalang nahanap at natagpuan ko na ang hinaharap ko! Ngunit ang mapait na realidad, Ang taong inaakala ko.. na hinaharap ko ay ang siyang dapat talikuran, kalimutan at bitawan ko!.

Oo!masakit. Sobrang sakit! kasi alam ko na wala naman akong karapatan sayo dahil isa lamang akong kaibigan! Pero please lang...kahit minsan lang ipakita mo naman sakin na dapat kitang ayawan  dahil kung kailang handa na akong bumitaw? Doon ka magpapakita ng pag-asa na pwede pa! Laban pa!.

Para kang bisyo.. na kahit alam kong bawal at makakasama, tinutuloy pa rin dahil sa panandaliang saya ngunit sa totoo lang, ang kaloob looban ko ay bibigay na, susuko na, at namamatay na.

Ano nga ba talaga ako sayo? nakakatawa dahil ang sagot..Isa lamang ako sa mga kaibigan mo! ngunit ang pinag kaiba ko.. Ako ang bukod tanging  nahulog at nagpaka masokista para sayo.Tanggap ko na hanggang doon lamang ako. Hindi ka manhid dahil sinambit mo noon na nararamdaman mo ako. Pero tila ba ako'y isang hangin, Kaya mo akong maramdaman pero kahit ni minsan hindi mo ako kayang makita para tignan.

Para tayong apoy at gamo- gamo.  Binalaan nila ako na huwag masyadong mapalapit sa iyo.. ngunit dahil sa hindi ko napigilan ang sarili ko.. hinayaan kong mapalapit sayo.  Kaya ayon.. heto nasasaktan ako. Tila ba naparalisa na ang puso ko at hindi maggawang makalimot sa iyo.

Hindi ko hinihiling na abutin mo ang mga kamay ko at panatilihin lamang sa tabi mo hanggat nais mo. Gusto ko lang na tignan mo ako sa mismong mga mata ko! Tignan mo ang una at huling luha na papatak mula dito  para sayo!. Dahil mahal,mukhang bibitaw na ako..magpalaalam na ako.
Ipipikit ko nalamang ang aking mga mata habang inaalala ka.Habang inaalala ang lahat ng binigay mong saya .Itatatak ko nalamang sa puso ko ang taong nagbigay sa akin ng ligaya at tuwa .

Sana sa aking pag bitaw ang sya ring pag bitaw ng taong taong inaabangan mong mahulog sayo. Kakayanin ko na mahulog mag -isa kaysa naman mahulog ng kasama ka! Mas pipiliin ko nang palayain ka para lamang ikaw ay sumaya. Dahil alam ko kapag nahulog akong kasama ka? Ang puso ..isip.. at paningin mo ay nasa kanya

Aangkinin ko nalang ang sakit mag isa dahil una palang ako lang naman ang nahulog at hindi ka kasama.

H'wag kang mag- alala mahal, Dahil alam ko! Kakayanin ko kahit doble ang sakit na maaaring danasin ko sa pag guho  mundo ko.. pag bagsak ko ng wala ka sa tabi ko kakayanin ko..Pipilitin ko at sasanayin ko ang sarili kong makalimot na sa mga sakit na naidulot ng damdamin ko sayo...  Pati narin ang makalimot na sayo..Mahal ko.

Sana maging masaya ka sa piling nya..
Hindi na kita pahihirapan pa..  hindi mo na ako aalalahin pa..kung ako ay nasasaktan mo na..dahil simula ngayon ako'y mag-papaalam na sayo..at sa nakaraang naranasan ko kasama mo. Huwag mo sanang kalilimutan ang babaeng minsan ay kumapit para sayo ngunit nabigo kang hawakan ako.

Ngayon alam ko na .. hindi sapat ang pagmamahal ko para mapunan kung ano talagang kaipangan ng puso mo. Hindi ako ang kailangan mo. Ang pag ibig ko ay sana parang mga nagdaang araw..sana napakabilis ding lumipas para hindi na ako mahirapan. Sana mahal maiukit kahit imahe ko lamang sa iyong puso at isipan.













______________________________

Yeah.. it's done haha message me and comment nalang po kayo dahil dyan po ako mag be base kung I will make anpther spoken poetry haha thanks..

Until next time hihi kung meron...

Vote& Comment

#Leehanjung97
#Spokenpoetry
...kamsahamnida..♡♡♡

SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Where stories live. Discover now