DAKILANG INA

16.7K 35 4
                                    

Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang aking pasasalamat..Sa aking dakilang Ina na ang salitang "Salamat" ay hindi sapat.

Minsan naitatanong ko, ako ba ay karapatdapat mabuhay sa piling mong walang kapantay?
Mula ng ako ay iyong  isinilang, liwanag ng mga mata mo ang aking naging tanglaw. upang sa magulong mundong ito ako ay hindi maligaw.

Aking Ina, dakila ka...wala kang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin ang tunay na pag aalaga..ang tunay na pagpapahalaga. at tunay na pagmamahal na hindi ko masusumpungan sa iba!

Ikaw! Ikaw na nagiisang taong kaya akong ipagtanggol kahit na ang mundo ay puno ng paghatol..
Ikaw lang Ina, ang taong tatanggapin ako kahit talikuran man ako ng buong mundo!.Ikaw ang siyang  takbuhan ko.

Ngunit Ina, Patawad! Patawad dahil sa kabila ng kabutihan mo, mas madalas na sakit ang naigaganti ko sayo!. Patawaf dahil noon kaya kong sabihin sa harap mo na salamat, At mahal kita.

Da paglipas ng panahon, patawad Aking ina sapagkat mas madalas pa kitang ikahiya keysa sabihin sa lahat na Mahal na mahal kita!

Patawarin mo ako ina dahil sa lahat ng kabutihan mo, sa lahat ng paghihirap mo, Di ko manlang masabi ang salitang "Thank you" at "I love you" sa mismong harap mo! Upang sa gayong maibsan lahat ng pagod mo.

Dakilang Ina, Mahal kita! Opo alam ko na kulang na ako sa salita, kulang pa sa gawa! At Ina minsan naiisip ko na anong klase ba akong anak..

Minsan mas mahalaga pa sakin ang sinasabi ng iba kaysa sa paningin mo sakin ina.

Ngunit alam mo ba, Mama, mommy, nanaya, Ina o kahit ano pa man..tawag sayo, Ikaw lang ang magiisang babae sa buhay ko.Ikaw lang ang nag iisang alam kong tatanggapin ako kahit ano man ang pagjakamali ko! Ikaw lang ang nagsisikap na buhayin ang tulad ko kahit hindi ko alam kung dapat ba akong maging anak mo. Kung dapat bang arugain mo pa ang tulad kong sakit sa ulo lang minsan ang bigay sayo!.

Ang mga mata mo na mas makinang pa sa sikat ng araw ang nagbibigay tanglaw sa buhay kong hindi malinaw.

Ang haplos mo na nakakapagpapayapa sa damdamin kong nagwawala.
Ina, sa dami mong nagawa kahit gaano karaming letra ang aking banggitin at isulat alam kong hindi parin sasapat.

Oh ina, Ngayon ko naitatanong ko sa sarili kung Saan mo kinukuha ang lakas mo upang mapunan ang kahinaan  ko. Hindi ko alam kung paano mo nagagawang itama ako sa lahat ng mga mali ko. Kahit pa ang tigas ng ulo ko.

Mahal naming mga Ina, Tunay nga na walang kayong ibang hangad kundi kami ay mapabuti.
Wala kayong ibang ginawa kundi mahalin kamu ng matindi! Wala kayong ibang inatupag kundi alagaan kami!

Kaya ina kung akala mo, na hindi namin nakikita bawat  ang paghihirap mo, Pwes ngayon ko po sasabihin sa iyo na sobra at nagumaapaw lamang ang hiya ko dahil  alam ko na marahil hindi matanggap ng sistema ko na sa lahat ng nagawa mo, pagpapaluha pa namin ang natatanggap mo.

Ang bawat oras, minuto, segundo ng buhay ko alam kong andyan ka at handang gabayan ako pero anong ginagawa ko? Lagi ko nalang dinudurog ang puso mo sa tuwing sinusuway ko ang utos mo! Nadudurog ko ang puso mo sa tuwing masamang balita ang naihahatid ko!

Salamat! dahil sa bawat pagtangis ko, andyan ka upang hagurin ang likod ko! andyan ka upang patahanin ako! Andyan ka mula noon hanggang ngayon at minamahal ako!

Ako! Ako na anak mong mahal na mahal mo at tunay rin na nagmamahal sa iyo.

Nagpapasalamat ako sa diyos dahil ibinigay ka nya sakin.
Nagpapasalamat din ako sa diyos dahil pinalalakas ka nya upang kami ay makasama pa.

Ina, ako ay parang isang malaking palaisipan! at alam ng lahat na ikaw lamang ang kasagutan...Ikaw lamang ang kagamutan sa buhay kong sugatan.

Sana dumating ang araw na ako naman..ako naman ang makapagbigay sa iyo ng kaginhawaan..
Sana kung hindi man ngayon kundi sa tamang panahon, masuklian ko ng mabuti ang ang taong nag alaga sakin ng napakaraming taon.

Mahal kong ina, mahal na mahal kita! pasensya kung minsan hindi ko maipadama pero sa kalooblooban ko, mahal na mahal kita!

Salamat sa lahat! Patawad! Patawad sa lahat.

Aking Ina, Sana hindi ka magsawa sa pagunawa.
Sana hindi ka magsawa na ang pagmamahal samiy ipadama!Dahil hindi ko ata kaya kung mawala aking dakila at pinakamamahal na ina.

Ikaw ang aking ina! ikaw ang Isa sa mga dahilan kung bakit may saysay ang buhay ko!
At ikaw din ang pinakamagandang babae sa buhay ko! Para sakin mas maganda ka pa kay Laiza Soberano..Kay katherine Bernardo.. Oh kahit maski kahit kanino..Totoo po ito walang halong biro.

Aking Ina, lagi nyo pong tandaan na mahal ko kayo..kahit pa na pumuti na ang buhok nyo.. Di ako magsasawang sabihin sa inyo na
I love you.





TADAAAH! HEHE LATE UD FOR MOTHER'S DAAAY!!

HEHEGE

THANKS SA SUPPORT♡♡


SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Where stories live. Discover now