"PATAWAD"

866 3 0
                                    

      

"PATAWAD"

Naniniwala ako noon hanggang ngayon, na ang salitang "Patawad"ay sinasabi para lamang sa mga bagay na nagawa mong hindi sadya.

Ngunit Mahal, paano ba yan? minahal kita ng hindi ko sadya! Minahal kita ng ang dahilan ay hindi ko makita! Ako kaya ay mapapatawad mo pa?Gayong nakadama ako sayo ng bagay na hindi naman sadya?

Naging napakahirap sa akin na aminin dahil baka ako ay hindi mo na pansinin..Pero sabihin mo sa akin kung mali ba na ikaw ay aking ibigin?
WAG naman sana sapagkat ako man ay papipiliin ikaw at ikaw parin!

Gaano na ba katagal mula nang maramdaman ko ito? mula noong naramdaman ko na ikaw ang gusto ng puso ko.
Taon? Buwan? Linggo? araw?
Hindi ko na maalala basta ang alam ko lang, minamahal na pala kita!

Mahal? kahit na hindi ko maalala kung kailan ito nagsimula, lagi namang ipalaalala ng puso  ko  araw-araw na mahal kita.

Kaya naman patawarin ko ako sapagkat inibig ko ang tulad mo kahit alam kong hanggang kaibigan lamang ako.!Oo doon lang iyon

Patawad narin pala sa puso ko sapagkat hinayaan kong mahulog ito at tuluyang tumibok para sayo. Patawad mahal dahil huli na ako..hindi ko agad nai-alay ang puso ko noong mga panahon na kaikangan mo ito.

Napakasakit na halos ako ay mapaluhod..sa sariling luha ay malunod dahil sa walang kamatayang pagod.

Pagod sa pag-iyak!pagod sa pag ibig mong hindi tiyak.

Mapapatawad mo pa ba ako? sapagkat sa kabila ng pagtangis kong ito, ikaw parin ang laman ng manhid kong puso.

Sige..tumalikod ka lang at lumakad palayo..pero hayaan mong sabihin ko parin sayo na balang araw..ang kapatawaran mo ay makukuha ko.. dahil pagdating ng araw na iyon hindi na ikaw ang laman ng puso ko.

Iyan naman ang gusto mo!
Iyan naman ang ikinagalit mo! Iyan naman ang dahilan kung bakit pinaguho mo ang mundo ng taong tunay na nagmamahal sayo..

Ayaw mo na may maramdaman ako sayo..pero pasensya na..patawad kasi tanga ako..baliw naman ang puso ko at heto parin nagpapakatanga sayo.

Araw -araw na pahirap ang dinadanas ko alam mo.ba iyon? Alam mo bang iniisip ko na sa bawat pagpikit ng  mata ko sana hindi nalang ikaw ang minahal ko? Hindi naman ako nagsisisi!Talagang hindi ko lang matiis ang sakit na napakatindi.

Naisip ko rin, lagi nalang bang kapatawaran mo ang hihilingin ko gayong minahal  lang naman kita ng tunay?
Hindi ba pwedeng kapatawaran ko naman? hindi ba pwedeng marinig ko naman ang mga katagang

"Patawad, dahil minahal mo ako pero sadyang bulag ang puso ko?".

Hindi ba puwede ang ganon?

Sana sa pagdating ng tamang panahon marinig ko manlang na sabihin mong "Patawad dahil ang puso at pag-ibig mo ay hindi ko nabigyan ng pagkakataon"

Patawad, dahil masyadong naging sarado ang mata ko para hindi mapansin ang tulad mo na walang ibang hinawa kundi ako ay mahalin.

______________________________

Uwaaaaaah!!! Kamusta na po?.Happy 1.58k reads

Thanks po na kahit sobrang tagal na walang updates eh nakuha nyo parin pong pagtyagaan ang Gawang ito..

Sorry if you think that this one is lame...I'm so busy on my school works..

Hope you still wait for next Ud hehe thanks a lot my oh so super duper fab na readers hehe muaps!!♡♡

#Saranghae.
comment&vote..


SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon