SPOKEN POETRY( Pag- Amin)

1.9K 11 0
                                    


SPOKEN POETRY
(PAG-AMIN)..

Guys thank you very much sa pag babasa...^^
I did not expect na may magbabasa ng mga works ko hehe..mas dadalasan ko na po yung mga UD kasi summer vacation na..

So enjoy this other hugot poetry hehe(^,^)

Kamsahamnida mga Leehans haha yan tawag ko sa mga readers hehe..

You Can add me at my fb acc.

hannahkrizelcastillo@yahoo.com.

Comment&Vote♡♡

______________________________


Kaba ay alisin, lakas ng loob ang pairalin, dahil sa aking gagawin.. hindi tiyak kung ano ang dadanasin.
Bago ko sambitin ang mga salitang nais kong sabihin, ipinaaalam ko na agad sayo na anu man ang desisyon ng puso mo ay ang siyang tatanggapin ko.

Matagal ko nang itinago sa kalooblooban ko kung ano man ang aking nararamdaman.Bawat dumadaang araw at oras na hindi ko nasasabi sayo , pakiramdam ko nawawalan ako lalo ng pag - asa na ipabatid at iparamdam ang tunay na damdamin ko.

Mahal, nais kong malaman mo na bawat salitang sasabihin ko mula sa mga oras na to hanggang sa mawala ako ay totoo.  Mahal, eto na ang tamang panahon upang sabihin kung ano ba talaga ang laman ng puso ko.
Ngunit paano ko ba sasabihin kung hindi paman bumubuka ang aking bibig ay tila ba nakakalimutan ko na ang tunay kong ibig.

Heto na! Ito na talaga! Aaminin ko na sayo kahit alam ko na malaki ang tsansa na masaktan at mabalewala nanaman ang nararamdaman ko.

Ngayon isasatinig ko na,
"Mahal kita! " Dalawang salita, siyam na letra. Mga salitang lagi nalamang nasa isip ko! hindi ko manlamang maipahayag sa iyo! paano! tuwing aamin ako, pakiramdam ko kakainun ako ng kaba at alinlangan ko! Hindi madali! kailangan ng napakaraming sandali! upang sa iyo ay masabi.

Habang kaharap kita, gusto kong yakapin ka bago ko sabihin na "Mahal kita! matagal na! pero  bakit hindi mo nakikita?".  Pero hindi ko iyon maggawa dahil alam kong wala naman aking karapatan na kuwestiyunin ka! wala akong karapatan na sumbatan ka dahil una sa lahat! Hindi mo naman kasalanan na minahal kita!
Ako! ako ang tunay na may sala sa sarili kong nararamdaman!  ako! ako lamang at wala namng dapat ibang sisihin pa!.

May nakapag sabi kasi sakin noon na, Ang pag amin ang isa sa mga pinakamahirap gawin! lalo na kung hindi mo alam kung ang nararamdaman nya ay ganoon din!  Napatunayan ko na! Oo lintek na puso toh! mahirap nga!  nakakapanghina! nakakapanglambot! nakakakaba! at higit sa lahat nakakapanghinayang.... nakakapanghinayang na hindi ko masabi sa taong aking minamahal ang salitang "Mahal kita"

Isa lamang ang laking alam.
Pareho man tayo ng nararamdaman, o kahit ako lang ang masasaktan, wala akong pakialam dahil alam kong sa huli, wala akong pagsisisihan.

Pumasok ako sa mundo mong iba ang nag mamay ari kaya naman mahal, heto ako! mag isa! naliligaw! hindi alam kung saan patutungo.
Eto na nga ba ang sinasabi ko! ayaw kong pasukin ang masalimuot na mundo ngunit ano ang pinasok ko? mundo mo kung saan naranasan ko ang panandaliang saya.

Makukuntento na kaya ako na makita kang masaya pero sa piling ng iba? O dapat ko pang ipaglaban at ipagtapat ang nararamdaman ko na sayo ay parang wala namang halaga?

Ang aking kaba ay napawi na ngunit bakit ang pag aalinlangan ay umusbong pa? Marahil iyon na ang hudyat na ako ay dapat manahimik na?at ano mang aking dala dala ay isa isip ko nalamang.
dahil ang kapakanan mo ang laging lamang.

Mahal, ayaw ko na sana makagulo sa iyo! ngunit gabi gabi na lamang tila bumubulong ang puso ko na sabihin ko na sa iyo! Lintek na puso ito! dahil tila lahat nalang ng sakit gustong akuin!
Aamin pa ba ako kung lalapit ka palang tila dudukutin ang puso ko? aamin pa ba ako kung gayong ngiti mo palang ay nanghihina na ang mga tuhod ko? At huling tanong! aamin pa ba ako kung sa tingin ko ay hanggang doon nalang tayo? na hindi na maaaring humigit pa ang kung ano mang ang meron tayo?

Alam ko ang dapat na gawin ngunit hindi ko alam kung papaano ko ito gagawin! Lalapit ba ako sayo at isasambit na "mahal kita!"
Di naman kaya.. ihahagkan kita ng mahigpit at ibubulong nalang na,, "mahal kita, matagal na!". Ibubulong ko nalamang dahil pagod na ako na ipagsigawan ang damdamin kong hindi naman napariringgan. O hindi naman kaya.. talikuran ang aking nasa harap.. kalimutan ang nakaraan pati na rin ang aking nararamdaman.

Sa pag amin kong ito ang dami daming paraan, ngunit kahit ni isa ay hindi ko mabigyang daan! Maraming sandali ang aking nasayang! napakaraming araw! oras, minuto ang pinalipas ko upang mapag isipan kung dapat ko bang ipagpilitan. Dahil tila ako nasa isang piitan na hindi ko alam kung matatamo pa ba ng puso ang kalayaan.

Sumapit na ang tamang oras! kalimutan ang pangamba, harapin ang lahat ng resulta.

Sa pag amin kong ito nawa ay mapagtanto mo na mahal kita.. oo mahal kita ngunit hindi mo manlang nakita.

Walang magbabago..wala! Umamin man ako sayo.. mananatili na lamang ako sa kinalalagyan ko.. dito na lamang ako nakatanaw sa mga ngiti at tawa mong hindi naman ako ang nagbigay sayo.


______________________________

Ohayou!!

Done! HaHAHA THANKS FOR READING HEHE CONTINUE SUPPORTING THIS ... UHM WORK OF MIND HAHA***

KAMSAHAMNIDA(^,^)7..

SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Where stories live. Discover now