Spoken Poetry.(Paglayo)

2K 13 2
                                    

Spoken Poetry (Paglayo)

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ito.. hindi ko talaga alam kung papaano ko uumpisahan ang mapait na paglayo ko sayo lalo na kung bawat tingin ko sa'yo hinihigop ako ng mga mata mo.. Ang mga mata mo na nag bigay ng kulay sa mundo ko.

Mahal ko.. sa paglayo kong ito ipakikita ko sayo na kaya kong magsakripisyo para lamang sa ikasasaya mo. Naaalala mo pa ba nung sinabi mo na.."Hindi man ikaw ang mahal ko sa ngayon, baka sakaling ikaw na pagdating ng panahon." Oo mahal, naaalala ko pa ngunit ang mga katagang iyon ay tila mananatiling alaala nalang ba?

Ang hirap..sobra.. dahil bawat oras,minuto, o segundo na dumadaan sa buhay ko ay parang tungkol nalamang sayo. Ang sabi mo H'wag kang lumayo! Di ko kaya na wala ka sa tabi ko!" Ngunit ano itong nakikita ko? Bakit parang sa kanya nalamang ngayon umiikot ang mundo mo! Mundo mo na magulo at ang mundo mo na kung saan isinisiksik ko lang ang sarili ko.

Ang pagtawa nating dalawa ay tila saliw ng musika.. Sa mga panahonh iyon ikaw lamang ang aking nakikita. Ano ba naman aking mga mata! Nabulag na ata! Nabulag na sa pagmamahal na ako lamang ang nakadadama. Napakadaya mo! Sabi mo huwag akong lumayo! Pero nabusog ka siguro dahil sa kinain mo ang mga salitang sinambit mo.. Dahil ikaw mismo ang unang sumuko..Ang unang lumayo at iniwan ako. At iniwan ako sa lugar kung saan hindi ko alam kung saan patutungo.
Akala ko tapos na ang pasakit ko pero ultimo pagdilat ng mga mata ko? ikaw mismo ang nasa isip ko!

Naaalala mo pa ba yung panahong sinaktan mo ako? Sana mahal, inalala mo kahit papaano sapagkat ..Yung panahong iyon ay ang pinakamadilim na pagkakataon sa buong buhay ko. Nabulag ako! Nabulag ako sa pagmamahal ko sayo at halos hindi ko na kilala ang sarili ko! Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo sa likod ng paglayo mo.
sa likod ng pangiiwan mo.

Nais kong puntahan muli ang lugar kung saan sumikat at umusbong ang pag-ibig ko sayo! Hihintayin ko nalamang ang paglubog ng araw bago ko bitawan ang mga salitang dapat matagal ko nang binitawan.
"Mahal, ang paglubog ng araw ay sana sya ring pag lubog ng pagmamahal ko sa iyo at tuluyan ka nang mabura sa isip ko!.
Mahal,as pipiliin ko pang mabuhay sa madilim na mundo ko kung saan hindi ko nakikita ang paligid ko.. kaysa mamuhay sa maliwanag na mundo kung saan kitang kita ko ang katotohanan na hindi ako ang babaeng nais mong manatili sa tabi mo!.

Mas pipiliin ko na maging manhid nalang kaysa masaktan ng pau ulit! ulit! ulit! mapasaya ka lamang. Tinanong mo ako kung ikasasaya ko na ang paglayo ko sayo. Ang sagot ko? hindi ko alam.. maaari? pwede? Oo? malay ko? dahil isa lang ang alam ko! Ikaw lang ang nag iisang sagot sa buhay ko! Ikaw lang hinding hindi ko na mararamdaman ang kahit anong pag kukulang.

Ngunit, mahal, Ayaw ko nang maging "BAKA SAKALI" ayaw ko ng maging "Baka ikaw na sa tamang panahon" Dahil ang gusto ko? Ako na ngayon... hanggang sa sinasabi mong tamang panahon! Kunga ang nais mo ay lumayo ako sayo.. sige! Ibibigay ko! Basta siguraduhin mo lamang na kaya mo na walang reserbang ako na sasalo sayo kung sakaling saktan ka ng taong inaakala mong mahal MO!

Gaano kalayo ba ang nais mo na distansya ko sayo? Gaano katagal mo ba akong magpakalayo-layo? Tinanong ko ang mga bagay na iyan sayo ngunit wala kang isinagot miski isa maski tango o kahit na Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Babalik pa ba ako? kailangan pa bang bumalik ako? Oh mas dapat na manatili nalang ako sa lugar na malayo sayo upang makalimot sa mga sakit na nararamdaman ko?

Malayo lamang ang distansya ng katawan ko.. pero ang puso ko? Haha palagay ko matagal pang mananatili sa iyo hanggang may bagong masumpungan ito. Yung tipong kaya na nitong tumibok para sa taong kayang suklian ang pag- ibig ko.
Mahal, nagbayad ako ng buong buo! pero anong natanggap ko? Masasakit na salita na galing sa bibig mo! Mga salitang bumalewala sa presensya ko habang wala pa ang taong kasalukuyang iniibig mo!

Gusto ko sanang panindigan mo ang sinabi mo! At ganoon din ang gagawin ko! Upang sa susunod na magkita tayo? Kaya ko nang titigan ang mga mata mo na walang kahit ano mang hinanakit sa iyo! At kaya ko ng tignan ang mga mata mong minsan nang pinaniwalang.. mahal..o minahal mo rin ako.

Bago kita talikuran, Bigyan mo muna ako ng dahilan upang ikaw ay kamuhian.. dahil hindi ata kita kayang iwanan ng hindi ako sigurado kung kayong dalawa ba ay tunay na nagmamahalan!
Sige saktan mo lang ako! Malay mo makatulong ito sa paglayo ko sayo!
Mahal kita! Mahal mo sya! Mahal kita pero kailangan mo sya! Ano pa nga bang magagawa ko? Ayaw ko namang mag mukhang masama sa paningin mo.

Pero sana mahal, ipangako mo.. na hahayaan mo akong humanap ng kayang suklian ng sapat ang pagmamahal ko.
Sana hayaan mo akong hanapin kung sino ba talaga ang nakatakda sa akin. Dahil sinasabi ko sayo! Mula ng saktan mo ako! Wala ka nang karapatang mahalin ako at sabihin na sayo lang ako!
Ano bang karapatan mo? Sayo ako? pero ano? Sya ang mahal mo? ... Liwanagin mo ang pagiisip mo dahil baka dumating ang araw na nagpakalayo layo na ako at nakahanap na ako ng tamang tao na mamahalin ko higit pa sa iyo, ay tsaka mo malaman na.. Mahala mo rin ako! at totoong hindi mo ako kayang mawala sa buhay mo!
Tumatakbo ang oras mo! Bilisan mo! Dahil baka mamaya ay magbago ang isip mo kung kailan malayo na ako at iba na ang minamahal ko!

Kapag dumating ang araw na Mahal mo na ako, Patawad mahal.. baka hindi ko nakayang ibalik ang dating matinding pagmamahal ko para lamang sa iyo.






____________________________

Hi guys! Haha ayan dahil inspired ngayon si miss author nag add ako ulit ng isa haha!! bakit ba eh masya ako eh!

Time check! It's 1:12 am haha umaga na noh? ganyan ko kayo kamahal.. hihi♡♡♡

See yah till next UD!! Sarangaheyo chinggu!!

SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora