SPOKEN POETRY (ALAALA)

1.3K 9 0
                                    


Hi guys.. eto na hehhe
Again and again,

SORRY PO AS IN SORRY!!
SA MATAGAL NA UD (!.!)7

Nasa bakasyon po kasi ako at walang wifi hihi at napakahirap din po
mag isip ng poetry hihi..

So eto na LEEHANS97♡♡

LAVLOTS
COMMENT &VOTE.

HOPE YOU ENJOY!!

_____¤_¤_¤_¤_¤_¤_¤_¤__¤_¤_¤_



Mga tawanan, iyakan, habulan, pagsusuyuan,kasiyahan at marami pang napagdaanan.
Lahat nalang ba iyan ay hanggang sa alaala at ang pangalawang pagkakataon ay hindi na mapagbibigyan?.

Napakasarap isa-isip, na tila ba itoy isang napakagandang panaginip.
Ngunit mahal alam mo? mas masarap isa puso ito, dahil alam ko na ang puso mo ay hindi marunong lumimot.

Naaalala mo ba? kung gaano tayo kasaya at kaligaya? Ako kasi? Tandang tanda ko pa na para bang tila kahapon lang at napakasariwa pa!.
Ngunit bakit tila tadhana ay napaglaruan tayong dalawa?
Kahapon lang hawak pa kita! Kanina lang, masaya at mahal pa natin ang isa't isa at ramdam natin na hindi na tayo mag hihiwalay pa!

Napakahirap lumimot! lalo na kung ang tadhana ay napakadamot! napakadamot dahil hindi man lamang ako nito hinayaang lumimot sa sakit na tanging ikaw lang ang gamot! sa katanungan na ikaw lamang ang sagot!

Hanggang dito nalamang ba? hanggang alaala na nga lang ba?
Ang pagmamahalan ba nating dalawa ay parang istorya na hindi na madudugtungan pa kasi huli na?

Sa Sobrang sariwa ng mga Alaala ko sayo, ramdam ko parin ang maiinit na haplos mo! Naririnig ko parin ang bawat tawa at salita mo na syang tumatak at bumulag sa puso ko!

Mahal, Ang sakit! napakasakit! noon pag uwi ko aalalahanin ko ang ginwa natin maghapon! ngunit ngayon? Tila ba ang alaala mo ang unti unting pumapatay sa akin na para bang isang mabagsik na lason!

Lecheng buhay! Kung maaari sana magkaroon ng amnesia ginawa ko na ura urada! kaysa naman maalala pa kita at lahat ng tungkol sayo ang aking nakikita!

Mahal kita! Mga salitang binitawan mo nung tayo pa! ngunit hindi ko alam na pati pala ako ay iyong  binitawan na!.

Mula sa pag gising, pag kain, pag-tulog ikaw lang ang laman ng aking isipan.
Madrama man pakinggan pero mahal, ang puso ko ay iyan ang tunay na nilalaman!

May nagsabi sa akin na, huwag mo masyado ibigay! dahil baka sa huli ikaw na ang aking maging buhay! Natakot ako! Oo sobrang natakot ako dahil baka ang masayang samahan nating dalawa ay mauwi lamang sa wala!Mauwi na lamang sa salitang "PAALAM NA!".

Sa pag-ibig huwag masyadong magtitiwala, dahil baka sa huli, luha lamang ang rumagasa! At baka ang pag iibigan ay maglaho na parang bula!
Mangyari man iyan, huwag mag-alala! Dahil tanging ikaw lamang ang pupuno sa aking alaala. Kahit pa tanging sakit lang ang aking mapapala!.

Ngunit mahal, bakit? bakit hindi mo manlamang sinabi sa akin na kinalilimutan mo na ako, habang masaya pa ako sayo!At habang nalulunod pa ako sa pag ibig ko sayo!.

May pag-asa pa kaya na masilayan kita? O sa alaala  ko nalamang  makikita ang magaganda mong mga mata? Sa alaala ko nalang ba mararanasan na hawak ang iyong kamay at maging masaya? Sa alaala ko nalamang ba makikita na sa akin ka masaya at hindi sa piling ng iba? Sa alaala ko nalang ba mararamdaman ang iyong pagmamahal na natuon na sa iba?

Patawad dahil napagod na akong ipaglaban ka! Napagod na ang mga mata ko na makita kang masaya sa piling nya!Sapat na sa akin na sana minsan ako ay nai-isip mo pa! Pero tingin ko? malabo na! Dahil ang paningin mo ay nasa kanya na! Ang nararamdaman mo sakin ay natabunan na ng ligaya na hatid nya!

Aking mahal, masaya ka na ba? Sabihin mo! Dahil kung Oo? handa akong tumalikod at pilitin na huwag nang lumingon  sayo! Ipakita mo sa akin na mas mabuti ka ng wala ako! Para hindi maging mahirap sa loob ko!

Araw-araw ipinagdarasal na sana ang mga tawa, at ngiti mong yan ay para sa akin pa!
Araw-araw ako ay nasa lugar kung saan tayo naglilibang nung tayo pa! Bakit? huh! bakit nga ba? kasi alam mo na kahit anong pilit lumimot ng utak ko! sya namang pag -alala sayo ng tanga at martir kong puso! Manhid na nga ako kasi hindi ko na nararamdaman ang sakit ngayon! Dahil nasanay nalang akong pinapanood ka kasama ng taong mahal mo ngayon!

Wala na! wala na talaga! Wala narin akong maramdaman! dahil ang pinaka masakit na ang aking naranasan! at iyon ay ang sa ala-ala na lamang kita kayang mahalin ng lubusan! Sa ala-ala nalang kita kayang iyakan at hawakan! Dahil sa totoong buhay, ako ay wala nang karapatan. Ngunit iyong tandaan, minahal kita kaya may karapatan akong masaktan kahit hindi mo man malaman.

Paalam! Pananatilihin nalamang kitang napakagandang ala-ala na napakahirap kalimutan kahit na halos ang puso ko, sakit ay halos ka pootan.Ikaw ay magsisilbi nalamang ala-ala. Sa bawat pagtanaw at paglingon ng aking mga mata ikaw lamang sinta, wala paring iba! Lagi mo sanag tandaan kahit iba na ang tinatahak mong daan, Ang daan na patungo sa kanya, Mahal na mahal parin kita!

SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Where stories live. Discover now