Spoken Poetry ( KAIBIGAN LANG)

1.4K 11 2
                                    




  Tandang tanda ko pa kung paano mo sinabi sa akin ang iyong nadarama pero sasabihin ko sayo ngayon na, dapat ba akong matuwa? dapat ko bang ika saya? dapat ko bang ikaligaya kung alam kong may masasaktan nanaman akong damdamin ng iba! 

Kitang kita ko ang kaba na namutawi sa iyong mga mata habang ikaw ay nagtatapat ng iyong nadarama ngunit, hindi mo alam na ako'y kabang kaba! Sapagkat hindi ko alam kung paano sasabihing ako ay minamahal na iba! Ayaw kong masaktan ka sapagkat kaibigan kita, Oo! kaibigan kita! kaya naman hindi kita  kayang ituring ng higit pa.

Nais kong umiyak, naid kong humingi ng tawad sapagkat, aking kaibigan, Hindi ko kayang suklian ang iyong nararamdaman.  Sinambit kong ni walang magbabago, kung ano man ang meron noon marahil ganun parin ngayon . Patawad dahil kailangan kong bawasan o iwasan ang sobrang pakikitungo ko sayo, dahil alam kong hindi ako ang taong makasasalo sayo!.


Hindi maalis sa isip ko kung paano ko ilang ulit na nakita ang mga mata mong nagsasabing "Nasasaktan ako, Di ba pwedeng, Ako nalang ang mahalin mo?". Kung maaari lamang na turuan ko ang aking puso  malamang ay titibok ito para sayo. Masakit alam kong masakit! Pero wala akong maibigay kundi puro pasakit.

Kaibigan ko? batid kong hindi  sapat ang salitang patawad! Hindi sapat ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko upang maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

Handa naman ako! handa ako na kahit anong oras sa paglayo mo, Dahil alam ko napapagod din ang puso mo
napapagod din itong hintayin ako gayong walang kasiguraduhan kung mababaling pa ba sa iyo ang damdamin ko.



Sobra na ang tiniis mo, Ayaw ko nang nakikita kang ganito kaya naman pakiusap bumitaw kana at idugtong nalang ang iyong tadhana sa iba! Yung iba na kayang ibalik kung ano man ang dapat mong matanggap .

Ang bawat luha at pekeng ngiti mo ang nagpapasakit sa kalooban ko. Para akong pinapatay, binabayo, at tila ba sinasaksak ang kalooban ko gayong nakikita kong lumuluha ang kaibigan ko dahil sa akin mismo.


Mahirap ngunit aking nagawang ipabatid sa iyo ang saloobin ko, Naaalala ko pa kung papaanong nakangiti mong tinanggap ang bawat salitang binitiwan ko .. kahit alam mong masasaktan ka nito.

Lagi kang nandiyan, naka alalay, naka gabay, at pinaranas mo sa akin ang iyong pagmamahal kaya ang hirap! Sobrang hirap! na sabihin kong, "Patawad, aking kaibigan,  ang iyong pagtingin ay hindi ko kayang higitan".


Siguro sa ngayon, mahihirapan ka na kalimutan kung ano ba ang iyong nadarama ngunit  akoy naniniwala na makatatagpo ko ng tamang nakatadhana at kaya kang mahalin ng higit pa! At mamahalin mo rin ng sobra!


Sa ngayon, patawad muna aking kaibigan, Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang lapitan! dahil paano mo ako makalilimutan kung bawat ating pinagsamahan ay syang naging dahilan kung bakit ka nagkaganyan, kung bakit mo iyan naramdaman sa taong ang turing sa iyo ay isang matalik na kaibigan.

Ano ba ang itinatawag  ko sayo? best? bff? partner?  Bispren, parekoy? at marami pang iba!  Ikaw ang kasangga ko sa lahat, nandiyan ka kapag kailangan ko ng kasama tuwing umiiyak ako dahil sa taong minamahal ko!Ngunit ano bang klaseng tao ako? hindi ko lamang ba napansin na merong tulad mo na nakaabang lang na mahulog ako? Na handang pahirin ang mga luha ko? pawiin lahat ng sakit at lungkot na nadarama ko?

May isang ikaw na mahal at patuloy na minamahal ako kahit pa sa iba tumitibok ang bulag kong puso? 

Patawad na hindi ko manlang naisip na doble o triple pa ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing iiyak ako  ng dahil sa ibang tao . Hindi ko manlang naisip na ako na mismo ang unti unting pumapatay sa kalooban ng kaibigan ko.


Patawad... sana makahanap ka ng taong sapat! Sapat para makawala ka sa hirap at bigat na iyong nadarama.  Dahil hindi ako karapatdapat.

H'wag kang mag alala, sasamahan kita upang makahanap, makatagpo ng tunay na nakadugtong sa tadhana mo! Ang tunay na taong mamahalin mo! Ang taong kayang suklian ang pagmamahal ng kaibigan ko.









_____________________________

Done! haha ayan may isa na po ulit hehe wait for more.. I love you guys lalo na po sa nakabasa na haha thanks for support!!

^-^***(^,^)

I lavyah..♡♡

#SpokenPoetry
#Saranghae
#Leehanjung97

SPOKEN POETRY (Puso At Isip)Where stories live. Discover now