Chapter 2 - the Clash

16.4K 373 15
                                    

"TEARS are the summer showers to the SOUL."
- Alfred Austin

.

Hillary POV

"Oh my!" nagtitiling niyuyugyog ni Gina ang magkabilaang balikat ko.

Hindi ako makapaniwalang tawagin ni Prof Allen ang pangalan ko na maa-assign sa Rossbeer Brewery.

Ghad, nanaginip ba ako Lord? Ayaw ko ng magising... kasabay kurot sa aking pisngi. Nakaramdan ako ng sakit. Gosh, totoong totoo nga!

"Hill, magkasama tayo sa Rossbeer Brewery!" nagtitili paring sambit ni Gina sa akin. "Congrats!" kinikilig pang patuloy niya.

Parang hihimatayin na talaga ako sa sobrang tuwa!

Gosh, CONFIRMED! HAPPY SUMMER ang peg! Abot hanggang tenga ang mga ngiti ko.

Yahoo, sa Rossbeer Brewery talaga ako!!! Kahit isang taon pa 'ata akong mag-a-apprenticeship roon ay okay lang.

Ghad, hindi na tuloy ako makapaghintay pa!

Hello loverboy! G, kilig much!

Tiyak na araw-araw kaming magkikita ni Ross dahil sa pagkakaalam ko during summer ay nag-pu-fulltime siya sa pagtatrabaho sa kompanya nila. I mean sa kompanyang nakapangalan talaga sa kanya. Ang Rossbeer Brewery.

Ano kaya ang sekreto ng mga inumin nila at patuk na patok iyon sa masa?

Sana ay makagawa ako roon ng inuming ipapangalan ko sa amin ni Ross!

Gosh, Ross Lawrence Martinez!

.

.

"Mag-iingat ka doon Hill ha." mahinang bulong ni Hilda malapit sa tenga ko.

Bahagyang nasindak na naman ako sa sinabi niya. Oh my, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Panira ng moment talaga itong si bruhilda? My goodness!

Mariing nilingon ko siya saka pinaikot ang mga mata. Ano na naman ang pinagsasabi niya?

"Please stop it!" may pagkairitang saway ko ngunit napangisi lang siya saka umayos narin sa pagkakaupo.

.

.

Hanggang sa natapos ang klase ay hindi parin ako makaka-get-over sa mga pinagsasabi ni Hilda.

Tila tulala akong napalabas ng classroom habang hawak-hawak ko ang aking shoulder bag.

Nang may isang matigas na dibdib ang biglang tumama sa akin kaya't malapit na akong mabuwal sa kinatatayuan at nahulog pa ang shoulder bag ko sa sahig.

"Sh*t, tumingin ka sa dinadaanan mo!" isang matalim na tingin ang ipinukol pa sa akin ng nakabanggaan ko.

Ngunit napalaki ang mga mata ko sa nakita, "Ross!" paanas na sabi ko.

Naningkit naman ang mga mata niya. "Next time titingnan mo ang dinadaanan mo ha!" pasigaw na sambit pa niya. "Bullsh*t, papansin?" matalim pa niya akong tiningnan. "Isa kang dakilang tanga!"

Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko at maging ang mga estudyanteng nasa kabilang classroom.

Hindi ako sanay na tinataasan ako ng boses at isang sigaw pa talaga na galing sa kanya. Nakarinig pa ako ng tawanan at kantiyawan.

Pinagtatawanan na nila ako. Sobrang kahiyang-hiya ang mga nangyayari kaya napababa na ako ng tingin.

Para akong binull'seye ng tatlong dart pens sa aking dibdib. Hindi ko lubos maisip na sinisigawan niya ako ngayon. An'sakit sakit pala!

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon