Chapter 36 - the Beach Wedding

8.2K 240 25
                                    

"I'm a SIMPLE PERSON who hides a thousand feelings behind the HAPPIEST SMILE."
-goodlifequoters.com

.

Hillary POV

Mas pinili ko talagang maupo dito sa pinakalikurang bahagi para makapagmuni-muni, hahaha! Char lang!

Kasal ngayon nina Carlos at Hershey. Napapangiti narin ako. Ako pa talaga ang naging dahilan ng forever ng pinsan ko.

Isang simpleng Beach Wedding ang nagaganap ngayon dito sa Villas.

Ghad, isang instant wedding. Masyado talagang apurado si Carlos. Kunsabagay, mapera kasi kaya madali lang sa kanya ang lahat. Mula sa pag-setup ng altar, sa mga dekorasyon, sa mga damit at sa mga kakailangangin sa kasalan.

Ang cute talaga nilang tingnan habang nasa altar at nagpapalitan ng mga pangako sa isa't isa.

Naaaliw talaga ako sa kanilang dalawa.

.

Ikakasal din ako kapag dumating na ang man of my dreams pero mahaba-habang panahon pa.

After six years malamang para maging ganap pa akong Chemical Engineer at magkaroon narin ako ng stable na trabaho.

.

Pinaikot ko na ang tingin. Piling-pili din ang mga bisitang nandirito sa Villas.

Masyado kasing private itong si Carlos, kahit pa nga ang mga press na gustong kumuha ng detalye sa kasal ay hindi niya binigyan ng permiso.

Kaloka nga kasi akala talaga ng iba ay ako ang ikinakasal ngayon.

Marami tuloy akong natatanggap na mga pagbati sa aking facebook acount.

Bahala na sila. Napapatawa na lang ako sa mga nangyayari.

.

Napatingin na ako sa harapan. Nandirito ang lahat ng mga kapatid ni daddy.

At of course ang naging paborito ko na ngayong si Tito Dennis ay nandirito rin, kasama niya ang kanyang maybahay na si Tita Digna at ang pinsan kong si Steven.

Nasa first row ng upuan sa left side nandirito ang mga pamilya ni Hershey. Sina Tito Dan, Tita Emerald, James at ang bunsong si Jeremy.

Samantalang nasa opposite sides naman ang Parents ni Carlos, ang tatlo niyang mga tito, ang limang tita, mga pinsan at ang dalawang kapatid niyang mga babae.

.

Maya-maya'y napagod na ang utak ko kaya nagpasya na akong ipikit ang mga mata.

.

"Kasal mo sana ngayon Besy kung hindi mo tinanggihan ang proposal ni Carlos." narinig kong kumento buhat sa likuran ko.

Napamulat naman ako at napatingin roon saka mahinang napatawa.

Nakita ko si Dianne at Jimmy.

"Masyado kasing mabait si Carlos, wala akong maipipintas sa kanya." ngiting sambit ko saka napatayo pa ako at binalingan ng tingin si Jimmy.

"Gusto ko kasi ang mga kagaya din ni Jimmy, maraming spices sa katawan! Parang nakasakay ka ng roller coaster. Mababaliw at maloloka ka." mahinang bulong ko kay Dianne malapit sa tenga niya.

"Juicecolored," sambit naman niya at pigil-pigil ang tawa.

Nagyakapan naman kami ni Dianne saka nakipagkamayan narin ako kay Jimmy at iginiya ko na siya papaupo.

.

Nakinig narin ako ng seremonyas ng pastor. Masyado kasing relihiyosa itong si Dianne baka mausog pa ako. Infairness dahil nga doon kaya nahuli niya ang puso nitong si Jimmy, natatawang nasasaisip ko.

Ako kaya? Ipag-novena ko rin si... Ghad, ano ba itong iniisip ko? Nasapol ko ang noo ko. Hindi talaga ako nagtatanda.

Pangiti-ngiti narin ako saka muli ng tiningnan sina Hershey at Carlos na nasa may altar.

Too perfect kasi itong si Carlos at hindi ko din kayang suklian ang mga kabutihan niya.

Masyado pa siyang straightforward, nakakatakot ang mga kagaya niya. Parang hindi ka rin dapat magkamali.

Hindi ako perpekto at hindi rin ako isang babaeng kontento na sa kung ano ang meron ako.

Gusto ko ring ma-explore ang buhay, ang malayang makapagtrabaho at mamuhay ng malaya.

Magkakaroon 'ata ako ng tali sa leeg kapag itong si Carlos ang pakasalan ko.

Basta ngayon ay maligayang-maligaya ako dahil nagkagustuhan narin sila ni Hershey. Wala akong ibang mahihiling kundi ang kaligayahan nilang dalawa.

Napabaling na ako sa may aisle at sa paligid.

Nice din pala ang beach wedding! Maaliwalas na paligid, na nakakapagpaparelaks at nakakapagpapakalma ng mga nararamdaman.

Kapansin-pansin din ang kumikinang na mala-gintong buhangin, na tila nagsasabing kaligayahan at seguridad!

Ghad, parang gusto ko na tuloy na ikasal sa dagat! Hahaha, para na naman akong timang dito na pangiti-ngiti.

...pero para sa akin ay mas maganda parin ang Church Wedding dahil sagrado ang kasal sa harapan ng Diyos!

Sana nga!

.

.

"Dahil ba kay Ross kaya ka umayaw kay Carlos?" pangiti-ngiti pang mahinang tanong ni Dianne sa akin saka inilapit pa niya ang mga labi niya sa tenga ko, "Kamusta na pala ang ultimate crush natin?" bulong pa niya.

Natauhan naman ako at napabaling sa kanya.

Hindi ko pa pala naikukuwento sa kanya ang mga nangyari. Pero manatili na lang lihim ang lahat ng mga masasamang nangyari sa amin ni Ross.

Gusto ko naring pakawalan ang mga nararamdaman kong pagmamahal sa kanya at tapusin na ang lahat ng mga kahibangan ko.

Ngunit paano?

Dahil hanggang ngayon ay mahal ko parin siya kahit na nga halos madurog ang puso ko sa sakit.

Napalingi na lang ako at hindi na nagsalita pa.

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Where stories live. Discover now