Chapter 4 - meeting his Family

13.5K 328 16
                                    

"No one can lie, no one can hide anything, when he looks directly into someone's EYES."
-Paulo Coelho

.

Hillary POV

Parang gusto kong batukan ang sarili ko ngayon. Ghad, bakit ako pumayag na mag-pretend na girlfriend ni Ross!

Napatingin pa ako sa wall clock. Oh my, mag-alas-sais na ng gabi!

Alas-siyete ang dinner sa bahay ng mga Martinez.

Mariing binistidahan ko ang sarili sa salamin. Isang simpling pink casual dress na above the knee ang suot ko at sinamahan ko ng light make-up.

My goodness, kailangan ko pa talaga ngayon harapin ang mga pamilya niya. Instead na kukunin ko ang mga papers ko kaninang umaga'y iba pa ang napasok ko.

.

Maya-maya'y narinig ko ng tumunog ang phone ko.

Iniabot ko iyon at nakita ko ang mensahe mula kay Ross:

'Napakahigpit ng guwardiya mo. Ayaw akong papasukin. Matagal ka pa ba? Bilisan mo naman baka masapak ko na dito itong tuta mong ayaw magpapasok sa akin.'

Angal ka pa, eh ikaw na nga ang nangangailangan ng tulong ko. Ano ba ito? Kahapon ay sinisigawan mo pa ako. Tapos ngayon naman ay... Ghad!

Dahan-dahan na akong lumapit sa may bintana. Nakita kong naiinip na nga sa kakahintay si Ross.

Maghintay ka riyan ng kalahati pang oras. Napangiti na ako dahil masarap 'atang galitin ang isang ito para naman makaganti ako kahit papaano.

Muli akong napabalik sa kama at napahiga na ako roon.

Magdadahilan na lang ako mamayang nakatulog ako.

.

.

.

Matamang napatingin na ako sa kisame. Ghad, wala na 'ata akong makapa kahit na katiting para sa kanya!

Sabi pa nila ay hindi madaling kalimutan ang first love! Pero, natanto kong mali pala sila. O baka naman hindi ko talaga first love si Ross, kundi isa lang akong ultimate fan niya sa basketball.

Kung anuman iyon ay hindi na mahalaga. Ang importante ay kailangan niya ang tulong ko at bahala na...

.

.

.

Lumipas ang century saka naisipan ko naring bumaba, tangan ang abot-tengang mga ngiti.

.

.

.

Tahimik na ako habang papalabas ng bahay. Nakita ko ngang nasa labas parin si Ross at naghihintay sa kanyang sasakyan.

Halos humaba na ang leeg niya sa kakahintay at halos hindi na maipinta ang mukha niya.

.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon