Chapter 37 - Moment of Truth

8.1K 226 32
                                    

"Don't ask me why I LOVE YOU, because I will have to explain to you why I LIVE."
-LoveQuotes.com

.

Hillary POV

Halos dalawang oras din ang nakalipas saka natapos narin ang seremonyas.

Maligayang-maligaya ako habang nakatingin parin sa newly wed.

Pagkatapos ng pictorial ay dumating narin ang yate kung saan magha-honeymoon ang dalawa. Ghad, sa buong karagatan!

Baka magiging sirena pa ang magiging baby nila kasi made in the sea, hahaha! Napapangiti na ako.

Para na naman akong ewan, na kung anu-ano ang iniisip.

Mas excited pa 'ata ako habang papaakyat narin sina Hershey at Carlos ng yate, kaloka!

.

Panay naman ang panunukso sa akin ni Dianne, na ako na ang susunod.

"Besy, hindi mo man lang ba niyaya si Ross dito?" pangungulit parin niya.

"Saan ka pala mag-apprenticeship Besy?" pang-iiba ko.

"Change topic agad!" natatawa pang sambit niyon at namungay na napatingin sa akin. "Hindi ko pa nakakausap si prof. Pero baka later na lang. Panay pa kasi ang travel namin ni Jimmy ngayon. Bukas na nga ang flight namin to US."

Napalingi naman ako, "Mabuti ka pa Besy patravel-travel na lang. Isama niyo naman ako." ngiti pang sambit ko at nangungumbinsing napatingin sa kanya.

"Makakasira ka ng moment Besy pero kapag kasama si Ross ay puweding-puwede." sabi pa niya at sinamahan na naman ng kakaibang ngiti.

"My goodness, huwag na nga lang!" parang batang sambit ko at muli kong binalingan nang tingin ang papaalis na newly wed.

.

Pakaway-kaway pa kami habang pinanunuod ang papaalis ng mga iyon.

Ghad, mas lalo pa akong naging excited!

.

Ngunit laking gulat ko nang narinig ko ang isang boses.

"Ate siya diba iyong lalaking nasa poster na nakadikit sa buong room mo?" naguguluhang tanong pa ni Hellen buhat sa likuran ko.

"Oh my ghad, si ultimate crush!" nakangiti pang sambit ni Dianne habang tinapik-tapik ang balikat ko.

Napabaling naman ako sa pinaggagalingan ng boses. Nakita ko nga si Ross. Parang mabibiyak ang puso ko.

Napaluhod pa iyon sa buhanginan at paulit-ulit na sinasabing mahal na mahal niya ako.

Biglang pumatak naman ang mga luha ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Parang tumatalon ang buong sistema ko.

Hindi ko na alam ang mga nararamdaman ko. Para akong naiihi at pinagpawisan ng napakalagkit.

Halos nakahandusay na si Ross sa buhanginan at nasa kanya na ang atensiyon ng lahat.

"Malakas ang tama sa'yo Besy. Ghad, mahal na mahal ka raw. Kaloka, akala niya ikaw ang ikinasal. Puntahan mo na bago pa siya aatakihin sa puso." nakangising utos ni Dianne.

Nag-atubili na akong lapitan iyon bago pa man maging mas kahiya-hiya sa lahat nang mga nandirito sa Villas.

.

"Akala ko ba'y ako ang tanga! Ang dakilang tanga..." may garalgal na sambit ko roon.

Napataas naman siya nang tingin at natigilan nang makita ako. Hindi siya makapaniwalang nakatayo ako sa harapan niya ngayon.

Iniba ko na ang tingin dahil hindi ko matagalan ang lagkit ng mga titig niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Si Carlos ba ang iniiyakan mo? Nakakahiya ka." nagtapang-tapangang sambit ko habang nasa malayo parin ang mga tingin.

Ngunit natigilan naman ako nang yakapin niya ako't paulit-ulit na hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita Hillary!" sambit pa niya saka ginagap ang mga labi ko.

Na-freeze naman ako sa kinatatayuan. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Ghad, nanghuhuramentado ang buong sistema ko! Hindi ako mapakali. Hindi ko narin maintindihan pa ang sarili ko.

"Ano'ng ginagawa ng lalaking iyan dito?" may galit na tanong ni daddy kaya natauhan ako.

Hindi parin ako nakaimik habang yakap-yakap parin ako ni Ross.

Nanlilisik ang aura ni daddy habang nakatingin kay Ross.

At laking gulat ako nang biglang hinila ni daddy si Ross at sinapak iyon sa mukha.

Napahawak na ako sa aking ulo.

Hindi ko na alam ang mga gagawin kaya napaiyak na lang ako.

Ghad, ang dalawang lalaki sa buhay ko!

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

     -NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon