Chapter 26 - the Plea

8.7K 255 21
                                    

"When you are GUILTY, it is not your sin you hate but YOURSELF..."
-Anthony de Mello

.

Ross POV

Tinapik-tapik na ni daddy ang balikat ko. "Ginawa ko na ang lahat pero... mahirap!" napapalinging sabi pa niya.

Nanlulumo naman ako sa mga narinig. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Kung ganoon ay ayaw paring makipag-negotiate ni Hillary.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Tinalikuran ko na si daddy saka sunud-sunod nang nagsipagpatakan ang mga luha sa aking mga mata.

Napasuntok na ako sa walling habang pinapakawalan ko narin ang mga hikbi ko.

Hill, ano ba'ng dapat kong gawin? Sunud-sunod tanong sa utak ko.

Ghad, damn it!

Ano kaya ang naghihintay sa akin sa loob ng kulungan?

.

Maya-maya'y bumukas na ang pintuan. Ang hudyat para tuluyan na akong ilipat sa City Jail.

Ilang sunud-sunod na bugtung-hininga ang ginawa ko saka bahagyang isinandal ko na ang ulo sa walling at inilagay ko na ang mga palad ko sa likuran ko.

Nilapitan naman ako ni NBI Agent Smith at tuluyan na nga akong pinusasan.

Nakakaramdam ako ng matinding tensiyon. Naghuhuramentado ang kalooban ko.

"Patawarin niyo ho ako!" nahihiyang sambit ko ngunit nakatikom lang ang mga labi niya.

.

I plea GUILTY!

Tatanggapin ko nang maluwag ang mga hatol sa naging kasalanan ko.

Napapasunod narin ako sa kanya nang iginiya niya ako papalabas.

Hindi naman ako makatingin nang direkta kay daddy.

Isang kahihiyan itong pinasok ko. Ibinaba ko na ang tingin. "Malaking kahihiyan itong ginawa ko dad! I'm so sorry!" tanging nasabi ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot kaya mas lalo pang bumigat ang dibdib ko.

Hindi na ako umimik pa. Punung-puno ng mga katanungan ang isip ko.

Ano'ng buhay ang naghihintay sa akin pagkatapos ng mahabang panahong pagbabayad ko ng kasalanan?

Ano ba'ng kailangan kong gawin para patawarin ako ni Hillary?

Pero paano ko siya makakausap kung hindi naman ako makalabas-labas dito? Dahil dadalhin narin nila ako sa City Jail.

Hindi ko na alam!

Ang alam ko lang ay kailangan kong makausap si Hillary.

Ghad, alam kong napakasama kong tao pero sana ay tulungan Niyo ako!

I need Hillary! Please hear me!

Sa kanya nakasalalay ang lahat ng ito. Siya lang ang tanging makapagbabago ng kapalaran ko.

Masakit na masakit! Hindi ko na kakayanin pa ang lahat ng sakit!

.

Ilang sandali pa'y hinarap ko na si NBI Agent Smith, "Sir puwede ko po ba'ng makausap muna si Hillary?" nagmamakaawang tanong ko ngunit hindi parin siya kumibo pa.

"Kahit sa phone lang sir." patuloy ko.

Napalingi pa siya, "No!" ang nagpipigil pang sagot.

Nadagdagan naman ang kirot sa puso ko, wala na talagang paraan pa.

.

"Pakawalan mo na siya tito!" narinig kung buhat sa di kalayuan. Napatingin ako roon.

Parang magtatalon ang buong sistema ko sa mga nakita. Biglang dumaloy ang dugo ko kaya muling nagkabuhay ang puso ko.

"Iniuurong ko na ang kaso tito." seryosong sambit pa ni Hillary.

"Hill..." nauutal na tawag ko sa kanya.

Isang blangkong tingin naman ang ibinigay niya sa akin saka tinalikuran na ako.

Ghad, may kung ano'ng punyal ang tumusok sa puso ko.

"Hill patawarin mo ako." nagmamakaawang sabi ko.

Hindi ko kakayanin ang mga panlalamig na ipinapakita niya sa akin. Parang gustong sumabog ang puso ko sa sakit?

Ano ba itong mga nararamdaman ko? ...and I hate it!

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon