Chapter 46 - Loving Him

8.3K 183 5
                                    

"Somehow it seems like it's YOU and ME against the WORLD."
-Paul Williams

.

Hillary POV

Magkahawak-kamay pa kaming papalabas ngayon ni Ross ng Ninoy Aquino International Airport at hila-hila pa niya ang bagahe namin.

Ghad, certified girlfriend-boyfriend ang status namin!

Hindi parin makapaniwala ang buong sistema ko. An'gaan-gaan pa ng pakiramdam ko! Para akong lumalakad sa cloud9.

Abot hanggang tenga ang mga ngiti sa mga labi ko dahil isang malaking accomplishment ang mga naganap.

Gusto ko narin namang magiging ka-forever si Ross at ang lalaking makakasama ko habambuhay.

Pero hangga't wala pa kami sa tamang mga edad ay hindi pa 'ata tamang magpakasal na kami sa isa't isa. At saka ayaw ko rin namang pangunahan ang mga magulang ko.

Kung magpapakasal man kami ni Ross ay gusto kong may basbas nina daddy at mommy.

At gusto kong ikasal sa simbahan, sa harap ng Diyos, sa kautusan ng batas at saksi ang mga pamilya namin.

Biglang pumasok sa isip ko si daddy at ang mga galit niya.

Napabugtung-hininga na ako. Hindi naman 'ata villain si daddy pero masyado siyang naging over protective kahit wala naman sa lugar.

Sinuway ko pa ang usapan namin na huwag muna akong magboyfriend habang hindi pa ako nakatapos ng pag-aaral dahil noon pa man ay natatakot na siyang pagsamantalahan lang ako ng magiging boyfriend ko.

Pero kahit pa nga nagboyfriend ako ay hindi naman iyon ibig sabihin na ibibigay ko na ang sarili ko kay Ross. Mayroon din namang limitasyon ang pagiging magkasintahan namin.

Bahagyang isinandal ko na ang ulo ko sa kaliwang balikat niya.

Ngiti namang tiningnan niya ako saka ginawaran pa niya ako ng halik sa noo bago niya iniakbay ang kanyang kaliwang braso sa akin.

Kitams an'ganda ko talaga!

Nakaramdam na ako ng seguridad sa ginawa niya at gugustuhin ko na lamang na magkubli sa mga bisig niya.

Ghad, malakas nga talaga ang tama ko! Pangiti-ngiti parin ako.

Sino ba'ng makakapagsabi na hindi? Eh halos apat na taon akong nagpapansin sa kanya.

Kung alam ko lang na ang magpa-hard-to-get ang makakapagpapa-inlove sa kanya, sana pala ay matagal na akong nagpakipot pa. Hahaha! Para na naman akong timang sa kakaisip ng kung anu-ano dito.

Pero infairness, an'haba ng hair ko at dinaig ko pa ang buhok ni Rapunzel dahil ang isang Ross Lawrence Martinez na kinababaliwan sa campus ay certified na akin. Akin, akin at akin lang!

Ghad, mainggit sila! Hahaha...

Sa dinami-rami ng mga tao dito ngayon ay tila kami lang 'ata ni Ross ang nag-i-exist.

Parang ikaw at ako wala ng iba, hahaha!

.

"Hill," narinig kong tawag ni Ross kaya napaangat ako ng ulo at tiningnan siya sa mga mata.

"Yes?" ngiti namang sagot ko saka hinintay ang mga sasabihin niya.

Napangiti lang siya at mangislap-ngislap pa ang mga mata habang inilalapit pa niya ang kanyang mukha sa akin.

Muntik namang lumapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Nakakaadik din pala siyang kahalikan! Ghad, this is it!

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon