CHPATER SIX

4.5K 113 2
                                    

KUMAKABOG ang dibdib ni Patricia habang pinagmamasdan ang kanyang larawan mula sa malaking canvass. Nakakamangha ang kapasidad ni Vaughn Eric na mabigyan ng buhay ang kanyang pagkatao mula sa kapirasong katsang iyon, mula sa iba't-ibang kulay ng pintura at mga oleo. Ngayon sa kanyang harapan ay tila punung-puno rin ng hininga ang kanyang replica.

Sabi ng pintor, may kaunti pa umanong post-production itong gagawin katulad ng sinasabi nitong filming na magpapatingkad pa sa mga kulay, gayundin ang framing.

Mula sa tabi ng pintor, napabaling sa lalaki ang mukha ni Patricia. Larawan ng isang malaking tagumpay ang anyo ni Vaughn Eric. He looked so satisfied and accomplished.

"Napakaganda mo, Trish," wika nitong napatingin sa dalaga. "I have painted tens of naked women before, but your portrait speaks not only about beauty, kundi nagpapakita rin ng marami pang

kahulugan ng isang babae. Na bagaman mahina ay may katangi-tanging katatagan, nasasaktan ngunit lumalaban, nahihirapan ngunit nagsisikap, umiiyak pero nananatiling malakas..."

Humahaplos sa puso ni Patricia ang mga deskripsiyong naririnig mula kay Vaughn Eric. Bagaman hindi niya makita sa kanyang larawan ang mga katangiang binabanggit ng lalaki, gustong magulat ng dalaga dahil ang mga iyon nga ang totoong kabuuan ng kanyang pagkatao.

"Pero alam mo, Trish," patuloy ng pintor. "Despite all the amazing curves, those long ivory legs, pointed awesome breasts and sweet, delicate genitalia, hindi sila ang totoong kabuuan ng iyong ganda." Pumihit ito at maluwat na pinagmasdan si Patricia. Bago pagkuwa'y hinawakan nito sa magkabilang balikat ang dalaga. "It's always your eyes that drive me mad. It's, it's beyond description. They looked like black diamonds pero iba-iba ang kanilang kinang. Sa isang tingin, para silang mga mata ng isang anghel ngunit kung mabuting pagmamasdan, makikita ang panganib, ang takot, pananabik, kabiguan, pag-asa...at marami pang iba."

Bahagyang umirap si Patricia. "Ewan ko sa'yo," aniyang muling tinunghayan ang kanyang larawan. Napansin niya ang suot na sapirong kwintas na tila naman nakikipagpaligsahan sa kislap at halaga sa kanyang kabuuan.

"So, kailan ba ilalabas ang kuwadrong ito, Vaughn?" mayamaya'y tanong niya.

"In two weeks time, sa Festival of Portraits sa Italia. Event namin 'yon – Supreme Society of Portrait Painters. In two weeks, the portrait painters community will be celebrating The Blessings of Venus, isang aktibidad na nagbibigay parangal sa kanya. You know her?"

"Venus?"

"Yah."

"Barely," sagot niya. "'Di ba siya 'yong hubad din?"

Tumango si Vaughn Eric. "Siya ang nagsilbing rebelasyon sa buong mundo na ang pagguhit o pagpinta sa kahubdan ng isang tao ay hindi ibig sabihin ay kabastusan, kundi isang pinakamataas na

porma ng Sining. Venus was naked, completely like you are, pero hindi mo sasabihing bastos ang larawan kundi isang nakakamanghang paglalahad ng kagandahan."

Batay sa nakikita ni Patricia mula sa kanyang larawan ay totoo ang mga pahayag ni Vaughn Eric. Gayunman, argumento niya, "Hindi uubra sa kultura ng Pilipinas ang iyong paniniwala, Vaughn," aniya. "Subukan mong ipakita ang larawan ko kahit na kanino at sasabihin nilang mahalay akong babae."

"Too bad," ayon ng binata. "Pero magaling manggaya ang Pinoy. Malay mo, darating ang panahon, gagayahin din nila ang appreciation ng Western countries sa mga ganitong obra."

Nang magsimulang magligpit ng gamit si Vaughn Eric ay nagpaalam na si Patricia na mauuna na sa cabana upang maghanda para sa kanilang lunch. Nakadama siya ng bahagyang bigat sa kanyang mga hakbang sa realisasyong dito na nagwawakas ang kanyang assignment with Vaughn Eric. Ngunit sa kabilang dako naman ay natutuwa siya dahil makikita na niya ang kanyang ina, si Carlo, ang kanyang Kuya Ed at pamilya nito, si Camille at si Paolo.

Breathless EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon