CHAPTER EIGHT

3.9K 99 7
                                    




LIHIM na nagugulat si Patricia habang umuulos sa kanyang ibabaw ang nobyong si Paolo. Dati naman ay napapasaya siya ng katipan, ngunit ngayon ay damang-dama niya ang tila malaking kapansanan ng nobyo na makapaghatid sa kanya ng ligaya.

Hindi na nakatanggi pa si Patricia nang magyaya ang lalaki. Pakiramdam niya'y may namumuong hinala sa nobyo matapos nitong makita si Camille, na ayon dito ay tila hindi man lamang nasikatan ng araw gayong galing sila sa isang outdoor activity sa lalawigan. Bagaman mabilis siyang nakapagtahi ng kasinungalingan pero suspetsa ng dalaga ay hindi lubos ang paniniwala ni Paolo.

Tahimik itong nagmaneho hanggang sa untagin siya ng isang paanyaya.

Sa ilalim ng nag-aapoy na lalaki, halos magyelo ang pakiramdam ni Patricia. Napapakagat-labi rin siya sa bahagyang kirot na kalakip ng bawat atake ni Paolo. She felt so dry and passive, gayong pilit niyang kinukumbinse ang sarili na sa lalaking ito siya dapat magkaroon ng matinding silakbo ng damdamin, at hindi kay Vaughn Eric na wala naman ni anong kaugnayan sa kanya.

Ngunit sadyang mahirap dayain ang sarili, hindi natagpuan ni Patricia ang intensidad ng damdamin na maari niyang maisukli sa nobyo. Naisip niya, maaring ganoon nga siguro kung talagang wala ka naman sa mood na makipagtalik. O sadyang kapos talaga sa kakayanan ang lalaki na pukawin sa kanya ang kamunduhan.

Nang ihudyat ng lalaki ang pagsambulat ng tinitimping pagnanasa, mariing nagpikit ng mga mata ang dalaga. Damang-dama niya ang tila pagkulapol ng dagta mula sa kanyang sinapupunan.

Pagkaraan ay tumimbuwang sa ibabaw ng kama si Paolo, nag-anyo pa itong yayakapin siya para sa after play ngunit bumangon na si Patricia. Dala ang undergarments na tinungo niya ang bathroom. Matagal siyang nanatili sa ilalim ng malamig lagaslas ng tubig mula sa dutsa. Paulit-ulit din siyang nagsabon.

Paglabas niya, bihis na ang lalaki. Habang nagbibihis ay pasulyap-sulyap si Patricia sa nobyo na noo'y nakaupo sa gilid ng higaan. Parang nasa isang malalim na pag-iisip ang lalaki. Parang nahihiwagaan na hindi niya mawari.

Wala silang kibuan hanggang sa kotse. Nararamdaman ng dalaga, maraming isipin ang tila nagtatalo sa ulo ni Paolo. Parang marami itong gustong alamin mula sa kanya.

Mayamaya, "Pat?"

Awtomatikong bumiling ang mukha ni Patricia. "Hmm?"

"Bakit parang may mali?" anito. "There's something I don't understand." Ginagap ng isang kamay nito ang kanyang palad. Mariing pinisil. "Nakikita ko sa mga mata mo. Pero wala ka namang sinasabi."

May ginaw na gumapang sa gulugod ni Patricia. Diyata't siya man sa sarili ay bigong maikubli sa nobyo ang laman ng kalooban?

Hindi niya maulinigan sa tinig ng binata ang pang-uusig, pero damang-dama ni Patricia ang matalim na duro ng konsensiya. Gusto niyang yakapin si Paolo. Gusto niyang maiyak. At gusto niyang ipagtapat sa binata ang lahat.

Ngunit napakabuti ni Paolo, napaka-inosente, para sampalin niya ng kanyang kataksilan. Hindi masasaktan si Paolo sa isang bagay na hindi nito nalalaman. Subalit kailangan niyang magsikap na mailigtas ang kanyang sarili, lalo na ang relasyon nila ni Paolo, mula sa tiyak na kapahamakan.

Gumanti siya ng pisil sa kamay ng lalaki. "You know what I've been through, Paw," aniya. "Siguro nga hindi pa ako lubos na nakaka-recover. Pasensiya na."

Dinala ng lalaki sa bibig ang kanyang palad. Paulit-ulit na hinagkan. Sa tingin ni Patricia, buo ang paniniwala ng lalaki sa kanyang sinabi.

Ngunit kinabukasan, at nang sumunod na ilang araw pa, hindi nagpakita kay Patricia ang nobyo. Sa mga mensaheng tinanggap niya mula rito, sinabi ng lalaking medyo abala umano ito sa trabaho at sa kabilang dako'y maibigay sa dalaga ang tila pangangailangan niya ng espasyo. Sa mga dahilan ng lalaki, bahagyang nalungkot si Patricia.

Breathless EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon