CHAPTER 4: CANTEEN

5 1 0
                                    


CHAPTER 4: CANTEEN

**LUNCH Break**

♥PRINCESS's POV♥

Nagising ako ng maramdaman ko na parang may kumakalikot sa kamay ko.

Pagmulat ko ng mata, bumungad agad sa harap ng mukha ko ang mukha ng kuya ko.

"Kuya!" Sabay layo ko ng mukha nya sa mukha ko.

Nagsmile naman sya sakin. Saka sya umupo.

"Kamusta pakiramdam mo?" Sabay buklat nya ng book na binabasa nya. Nakacross leg pa nga yung pagkaka-upo nya.

Bumangon naman ako at umupo.

"Yeah. Okay na po ako. Praise God."

"Good." Tiniklop naman nya ang book at saka tumingin sakin. "Kain na tayo?"

"Opo."

Napansin ko na napatingin sya dun sa kaliwang kwarto.

Pagitan kasi ng mga kwarto dito ay curtain lang kaya madali makita kong may tao sa kabila.

"Kilala mo po?" Tanong ko sa kanya.

May babaeng natutulog dun sa kabila at nakaharap dito samin. Nakakatawa pa man din itsura nya kasi nakanganga tapos tulo laway pa. Hihihi..

Nagnod lang si kuya sakin sabay kuha ng bag ko sa bed.

"Sino yun? Ang cute nya pong matulog. Hehe. "

Nagsmile lang sya tapos nagshrug.

Hm?

Tumuloy na kami sa cafeteria. Naupo sa table 15. Si kuya na yung nag-order ng kakainin namin.

I really praise God talaga na binigyan nya ako ng napakacool na kuya at napakasweet pa. Hehehe.

Ah sa mga hindi ngayon nakakakita, si kuya po ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

Ito na naman po tayo. Lagi na lang ganito ang scene dito sa cafeteria sa tuwing andito kami.

Di ba pwedeng sungitan ni kuya yung mga babaeng yan para di na sya magustuhan?

Hayss. Sabagay si kuya kasi nasa kanya na ang lahat.

Magaling kumanta, sumayaw, magluto, magpinta, halos sa lahat ng subject magaling sya (specially math) magaling din sa lahat ng instruments, (specially guitar at piano) at magaling din sa lahat ng sports (specially basketball at soccer) and yung ugali, so humble, obedient kay Daddy, sweet samin ni Elijah, hindi magagalitin, at higit sa lahat may LORD sa buhay. Kaya nasa kanya na ang lahat. Almost perfect ba.

Kaya napakabless din ng babae na magugustuhan ni kuya. Hehehe.

Ako din gusto ko maging kagaya ni kuya, magaling sa lahat ng bagay.

Ito na si kuya. At marami syang dalang pagkain.

"Ang dami naman."

"Nangangayayat ka kasi ngayon, kaya dinamihan ko na. Kumain ka ng maayos para hindi ka nagkakasakit. "

"Di kaya tumaba ako nito?" Sabay pout ko ng lips ko.

"Hahaha. Wag ka nga. Anu naman kung tumaba ka? Kasalanan ba yun?" Saka sya sumubo ng pagkain.

"Eeh gusto ko, kagaya mo fit ang body. "

Tapos ginulo nya lang yung bangs ko. Saka sya nagsmile sakin.

"Eeeiii~! Nasa kanya na ang lahat."

"Napaka gwapo nya talaga"

"Sana ako na lang ang kapatid"

"Ang sweet naman."

Mga usap-usapan sa cafeteria.

"Kuya, di ka ba naiimbyerna o naiinis man lang sa kanila?"

Nagshrug lang sya tapos nagsmile.

"Eh kasi kuya, di na maayos ang life mo simula ng maraming nagkakagusto sayo dito sa school eh. "

Nagsmile ulit sya sakin. Tuloy lang sya na kumakain.

Pamisteryoso talaga tong si kuya. Bahala nga siya.

"Sa library ka pakatapos nito?"- tanong nya habang kumakain while nagbabasa.

Paano?

"Opo kuya, nagsisimula pa lang po kasi kami may reporting na agad. *sigh*"

He chuckled.

"You can do it! The Lord is with you."

"Thanks bro"- Then I smile.

Bilib talaga ako sa faith ng kuya ko. I want that also. Alam ko kasi malapit sya kay Lord kaya nakakayanan nya ang lahat.

Soon. Mag-g-grow din ako. In Jesus Name! :)

♥ART JOSEPH's POV♥

*riiiinnnng~

Kinuha ko yung phone ko.

Daddy's Calling...

I answer..

"Hello Dad?"

"Hello, my son. Where are you right now?"

"Sa school po."

"Kasama mo ba si Princess?"

"Ah, opo. Bakit po?"

"Kung wala na kayong pasok daritso kayo sa Company natin, we will celebrate. Kasama na namin ng mommy mo si Elijah."

"Celebrate po? Sa alin Dad?"

"Later. Just come her after your class. Bye. Mag-ingat kayo mga anak. The Lord's favor is with you. God bless you."

"Opo Dad. Thank you po."-saka na binaba ni Daddy ang kabilang line.

"Pakatapos ng klase mo, susunduin kita, sabay na tayong pumunta sa office ng Company sabi ni Daddy."

"Bakit po?"

Nagshrug lang ako.

"Lets go? May pasok pa ako h."-i said to her.

"Sige po kuya."- and she smile.

****END OF CHAPTER 4****

The Guarded Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن