CHAPTER 14: FIRST DANCE

5 0 0
                                    


CHAPTER 14: FIRST DANCE

♥BLUE's POV♥

Nag ayos na ako ng damit ko. Magpi-present kasi kami mamayang 2pm ng dance namin. Yung pinagpapractice namin. Si James ang partner ko.

Well okay naman sya, kasi gentleman naman, at alagang alaga ako pag nagpapractice kami.

Bumaba na ako at kumain.

"Hoy, Gray!" Tawag ko sa kanya. Nakatulala kasi sya eh.

"Bakit?" Sabi nya sabay subo ng last na pagkain sa pinggan nya.

"Bakit yan yung mukha mo? Di mo pa sinasabi kung saan mo yan nakuha."

May bago kasi syang sugat sa mukha. Halata mong napatrouble na naman.

"Tss. Wala nga. Konting trouble lang. "- tapos tumayo na sya at umalis.

"Baliw yun ah. Iniwan ako. Tsk"

Anyway. Magbabasketball na lang ako mamaya after nito.

*Basketball Court.

Andito na ako sa court. May naglalaro eh.

Nakita ko si Lee naglalaro kasama yung mga kaklase namin sa P.E.

Hm? Marunong pala syang magbasketball. Ay mali. Magaling sya magbasketball. Kasi lahat ng tira nya napapasok ang bola.

Napangiti ako.

Huh? Anong napangiti? Erase. Erase. Punitin ko yang bibig mo eh. Tss.

Pambihira! "Galing ah."

Well grabe sobrang galing nya, pati pagpasa ng bola. Magaling din sa 3 points.

"Wow." Nagdunk sya men.

Bigla syang tumingin sakin kaya umiwas ako ng tingin.

Makaalis na nga lang dito.

Ang ingay kaya ng mga babae na sumisigaw.

"Go number 10~!"

" ang gwapo-gwapo mo Number 10!"

"Akin ka na lang Prince Art! WAAAAH~!!"

Nakakarindi na! Grrrghh~!

Umalis na ako dun. Pumunta na ako sa badminton court.

At nagstretching ako. Sporty kaya akong nilalang. Sabi ko nga sa inyo, magaling ako sa lahat diba.

"Blue!"- lumingon ako sa likod ko.

"O, mika."

"Woah, naglalaro ka din po pala ng Badminton?"

"Obvious ba?"

"Hahaha. Ikaw talaga. Sige laro tayo."

"Sure."

Naglaro kaming dalawa. Hanggang sa dumadami na yung mga taong nanunuod samin.

Magaling naman si Mika, meron syang tira , pero mas magaling pa rin talaga ako. Walang halong joke.

Kaya nga yung mga kalalakihan dito sa court sinisigaw na ang kulay ng damit ko.

"Go naka kulay Blueee~!"

Without knowing my name. That's my name bro. Tsk.

After 30 minutes. Huminto na kami sa paglalaro.

Nagpahinga kami ni Mika at uminom na rin lang.

"Ayos. Ang galing mong maglaro!"

"Nasa lahi ko yan." Seryoso kong sagot ko sa kanya.

"Hahaha. Siguro nga."

The Guarded HeartWhere stories live. Discover now