CHAPTER 6: MATH

3 1 0
                                    


CHAPTER 6: MATH

♥BLUE's POV♥

Ito na yung panghapon na subject. Math. Favorite subject ko.

Alam mo yung feeling na kinakabahan ka palagi at gusto mong pumatay ng tao dahil sa paulit-ulit mong naririnig ang pangalan na ART.

PAMBIHIRA!

Rinding-rindi na ako ha.

Bakit ba parang sikat na sikat tong lalaking to sa school na to?

Di naman sya gwapo, well konti, lamang sya ng dalawang tabo sa paligo sa ungas na nang-loko sakin. Psh.

"Sana may lakas loob din ako na makaupo sa tabi ni Art. " -girl 1

"Sigurado ako magugustuhan sya ng babaeng yan na katabi nya."

Nilingon ko naman yung boses na may sabi nun.

Kasi duh~ ako lang kaya ang babae na katabi ng Art na tinutukoy nila.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Excuse me? Kung gusto mong katabi tong lalaking to. Go. Gusto mo palit tayo ng pwesto?"

Tanong ko dun sa Girl 1. Tumingin naman ako dun sa katabi nyang mukhang bruha sa make up nya. Tss.

"Wala akong interest sa Art na sinasabi mo, dahil ang kilala ko na Art ay manloloko at G*go. Ngayon kung gusto mo to, ako pa mismo magsasaksak sa baga mo. Bruha!"

Saka sya nagmukhang bato sa sobrang shock sa sinabi ko.

Tumalikod na ako sa kanila, dahil nagsitinginan na yung mga kaklase ko sakin.

Ano na naman?

Nakita ko pang naka-smirk ang Sir namin sa math, sabay iling ng iling sakin.

Binigyan ko naman sya ng bored face. °_° Tss.

"Okay. Mag activity muna tayo ngayon. Simulan natin dito sa 1st row."

Algebra ang topic ngayon namin kay Sir kaya madali lang.

"Okay let's start. Ms. Emperial. Solve this problem."

Maghahanap naman ng x and y chuchu. Madali lang naman binigay na problem. Yakang-yaka to.

Tumayo na ako at saka sinolve ang problem no. 1. After 1 minute, im done.

Iniabot ko naman ang marker kay Sir.

"Woah."

"Ang galing!"

"Wow. In just 1 minute natapos nya."

Usapan ng mga kaklase ko. Umupo naman ako sa desk ko.

"Okay. Very good Ms. Emperial. Alright, next. Mr. Lee." Saka inabot ni Sir ang marker sa katabi ko na nakacross leg at naka cross arm. Feeling model ba. Tss.

Tumayo na sya ngayon at binigay sa kanya ni Sir ang problem number 2.

Habang nagsosolve sya ang tahimik ng buong klase, madali lang naman ang problem na nakuha nya, kaya lang kung ikaw hindi aware sa mga signs sigurado magkakamali ka.

Yung kanang kamay nya nagsusulat habang yung kaliwang kamay naman nasa bulsa nya. Pacool ang lolo nyo. Tss.

"Done. ^_^" sabi nya saka nya binigay kay Sir ang marker.

Well, that's a right answer. He is good at Math huh.

"Woahooh! In just 1 minute and 20 seconds nasolve ni Art ang problem.! "- sigaw nung isa kong classmate na lalaki sa likod.

"Yes!"

"Waaah. Nasa kanya na ang lahat talaga."

"Astig kasi kaklase natin sya ngayon no. Heheh"

Sabi ng mga kababaihan na naririnig ko. Tss. Big deal?

Napahalumbaba na lang ako sa desk ko.

i want to sleep.. no, i want to eat...

No i want to sleep.

Sige tulog na lang ako.

[ Dismissal ]

♥ART JOSEPH's POV♥

"Are you done?" Sabi ni Mika.Groupmate ko sya sa Business Management.

"Yeah. Come on"

Saka naman sya nagsmile sakin. Mika is my cousin, halos sabay na rin kaming lumaki nito. Lagi kasi silang nasa bahay nong mga bata pa kami hanggang sa college na nga kami ngayon.

Kaya naman hindi na ako ilang sa kanya, she's also a disciple. :)

Lumabas na kami ng pintuan ni Mika.

"Wait!"

Lumingon kami ni Mika sa likod. And there, that girl.. She's standing at the door.

Lumapit sya samin dala yung backback nya na hawak nya sa kanang kamay nya.

Mukha syang Gangster.

Yung aura nya na parang papatay ng tao. Grabe ang spirit ng babaeng to Lord. In Jesus name, protect us.

"Hey. Kayo kagrupo ko diba? -.-"

Nagtinginan kami ni Mika. Saka lingon sa kanya at ngumiti, sabay sabing... "yeah. ^_^"

Kumunot naman ang noo nya.

"Tss. Here's my calling card. Tawagan nyo na lang ako kung hindi nyo na kaya ang project."

Sabay abot nya ng card kay Mika.

"Okay" sabi lang ni Mika.

Umalis na rin yung kaklase ko.

Nagtinginan kami ulit ni Mika. Mata pa lang.. alam na.

"Mukhang may bagong target ka ah." Sabi nya na tumalikod sakin. At nagsimulang maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Well, it depends on how the Lord will work in her life. Malay mo ikaw pala kinu-convict ni Lord na magshare sa kanya. Diba?"

"Hahaha. Napakalaking honor kung ganun."

"Amen."

"Discernment ko lang ah. Mukhang broken family ata sya."

"Yeah. Kinda."

"Anyway si Lord na bahala dyan. I believe she's not an accident. The Lord brings her in our class. Its a new opportunity to share the Gospel."

"Yeah. Though medyo mahirap para satin. But with God..."

Lumingon ako sa kanya sabay ngumiti...

"Nothing is impossible."- both of us said in chorus.

Dumiritso na kami sa bahay nila. Dahil gagawa na kami ng group project namin.

♥BLUE's POV♥

what's up with those smile? Like duh~? Wala namang nakakangiti. Tapos sabay pa talaga sila ha.

At bakit naman sa lahat ng pwede kong kasama sa project na to, ba't siya pa? Yung Art pa na yun?

Asar naman o!

Pwede ba akong lumipat ng bagong school? You know to have peace.

I hate this life really! So boring! I want adventure! I want new!

Tsk. Pinasok ko na ang bag ko sa sports car ko at inistart ang engine, sabay pinaandar ko na mabilis. *smirk.

****END OF CHAPTER 6****

The Guarded HeartWhere stories live. Discover now